Inaantok
Today is the big day dahil ngayong araw ang opening Buwan ng Wika na pangungunahan ng isang ceremony kung saan kasama ang mayor.
Puno ng asul, pula, dilaw, at puting bandiritas ang paligid hanggang sa labas ng gymnasium. Pati narin ang quadrangle.
"Jace okay na ba yung sound system? Yung mic at speaker?"
"Oo na-double check ko na siya." tumango ako.
Maayos narin naka set up ang mga upuan at lamesa para sa ceremony. Sa tulong ng mga volunteers na tumulong sa amin ay mabilis namin natapos ang lahat lalo na ang pagdecorate kaya ramdam talaga ang Buwan ng Wika.
"Gia, you need to change now. Malapit na raw dumating dito ang mga bisita and Mayor Guevara." saad ni Kiana.
"Yung dalawang mc, ready na ba sila?"
Two Humss students from senior high will be the speakers to run the whole ceremony. Si Kiana ang naghanap at nakiusap, buti na lang at pumayag sila sa tulong narin ng nga teachers nila.
"Miss G, everything is already settled. Ikaw na lang ang hindi so if I were you, I'll go straight to the bathroom now and change, making myself presentable." Viel stated in a sassy way.
"Di bagay sayo." Kiana chuckled. Walang choice kasi si Viel kundi magbarong tagalog dahil pormal na mga bisita ang darating.
"I'm still beautiful." he said as he flashed his perfectly applied makeup.
"Pwede bang nipisan mo na konti, please." masyado kasi akong nakakapalan sa make up niya. Buti na lang at pumayag siya dahil alam niya ang ibig kong sabihin at naiintindihan niya iyon.
Mayor kasi ng Rizardon ang bibisita kaya't kailangan namin maging maging handa, magmukhang presentable at pormal na haharap sa kanya.
Don't get me wrong, I accept what and who Viel is, everything about him. I respect him together with the other officers. Alam kong lalaki siya sa damit niya at tinatakpan nun ang damdamin niya bilang babae. Malapit at gusto niya ang ginagawa ng mga babae gaya ng paglalagay ng make up. Ngunit nililimitahan ko siya sa bagay na yun lalo na't nasa school. He's also an officer, a role model to everyone.
Tinignan ko ang buong paligid. Okay na nga ang lahat. Now, all I need is to change and make myself ready. Naka shirt at jogging pants pa kasi ako.
"Gia!" nilingon ko kung saan nanggaling yung sigaw. I see Conny wearing her red baro't saya. Nakapusod ang buhok nito kaya mas lalong kita ang maganda at makinis niyang mukha.
"Bat hindi kapa nagbibihis? Nasaan na yung binigay ko sayo?" tukoy niya sa damit na isusuot ko.
"Nasa office namin, samahan mo nga ako. Ngayon pa lang ako magbibihis." sabay hila ko sa kanya.
Tahimik na silid ang sumalubong sa amin nang makarating kami. Buti na lang at wala ng tao dito. Tanging mga gamit lang ng mga officers ang nandito. Dito na lang siguro ako magbibihis.
"Bakit ba kasi ngayon ka lang magpapalit?"
"Chineck ko pa kasi kung kompleto na yung mga lahat na kailangan sa gymnasium kung saan gaganapin yung ceremony."
This event is very important for me because we're making an impression on the visitors especially Mayor Leonardo Guevara.
Nang makita ko ulit yung damit na ipinahiram niya sa akin ay kinabahan ako.
"Sigurado ka bang ipapasuot mo sa akin yan? Bat hindi na lang ikaw?"
"Ano kaba? I know this big day is important to you kaya kailangan mo maging presentable lalo na ikaw ang student council president." napalunok ako at tinignan ang damit na tinatanggal niya plastic at hanger nito.
BINABASA MO ANG
Over the Moon (Ongoing)
RomanceShe is the breadwinner of the family. She does everything without hesitation, just to put everything right where it belongs. She thinks, plans, and organizes every day for the sake of her well-being. She started her day guided by the sun and guarded...