Chapter 17

1 0 0
                                    

Savior


You would actually not going to believe it! Sa tagpong iyon, ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako at hindi alam ang gagawin.

Buti na lang at maabilidad ako.

Dahil hindi ako late sa research class!

Para akong lalagutan ng hininga dahil tinakbo ko mula gate hanggang sa classroom. I can't believe this! First subject pa lang pero pang last subject na ang itsura ko. Ramdam ko ang tagaktak ng pawis mula noo hanggang leeg ko. Nakalugay ang buhok kaya't nakadagdag init iyon.

That's why never, ever, be late. Lalo na kapag research subject ang next class mo.

Akala ko nandito na si Mr. Gabes, buti na ang at naunahan ko siya dahil kung hindi, mapapagalitan na naman ako.

Napabuntong hininga ako nang makaupo ako sa upuan ko.

"Anyare sayo?" tanong Conny.

"Tumakbo. Akala ko late na ako e." Kumuha ako ng tali sa bag. Pinagsiklop ko ang buhok ko para maipusod iyon. Ang init!

She leaned closer, "Totoo bang magkasama kayo ni Luan kanina?" bulong niya na parang may sinasabi siyang malaking sikreto na hindi dapat malaman ng iba.

"Oo bakit? Pano mo nalaman?" kunot noo ko siyang tinignan.

"Nagtaka kapa, alam mo namang maraming mata ang nakatingin lagi kay Lazatin. Lalo na sa mga kababaihan."

"Tapos?"

"Sa susunod kasi na magkikita kayo at magyayakapan, magkita kayo sa pribadong lugar. Yung walang makakakita."

"I don't get it Conny. What are you trying to say?" Why do we need to hide from the public? As if we have something special.

"Narinig ko kasi yung grupo ng mga babaeng seniors kanina. Nakita raw nila kayo na nag uusap. They're obviously Luan's fangirls kaya't nagagalit sila sayo. Halos mabuhol na nga yung kilay nung isa dahil magkasalubong."

I faced her, "Wala akong pakielam kung magalit sila. As far as I know, walang mali sa ginawa namin. Nag usap lang kami, nabunggo ako ng isang student, then he saved me. Niyakap niya ako dahil kung hindi, matutumba ako at baka magkasugat pa. That's the story. There's nothing special between us."

"Ang inaalala ko lang, baka kung ano gawin nila sayo."

"Conny, kaya ko sarili ko okay? I'll be fine." Dahil lang sa nakita nila kami ni Luan sa ganoong sitwasyon, that's would be the worst of them. Wala silang karapatan lalo na kung hindi nila pag aari.

Besides, sanay na ako na may mga students na ayaw at galit sa akin. Most of them are boys. I faced them with courage. Deal with them. Sa babae pa kaya.

About Luan's question earlier, hindi ako pumayag. That's a ridiculous idea, and I don't need someone on my back. As I've said, I can protect myself. I've been dealing with students fighting with each other before. Kahit noong wala pa ako sa student council. I don't do fist fight but I know how to do it.

Natapos ng klase at paglabas ko pa lang ng classroom, rinig ko na ang bulong bulungan ng mga estudyante tungkol sa akin. Conny's with me and it seems like she's more afraid for me for what would might happen. Their stares were like daggers, stabbing me. Kahit nalagpasan na namin sila, ramdam kong sinusundan nila ako ng tingin.

Napailing ako sa isip ko. Kung sasaktan o sasabihan nila ako masasakit na salita dahil lang sa nakita nila kami ni Luan na magkasama, it's very stupid. Maiintindihan ko pa kung girlfriend niya e.

Over the Moon (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon