Embarrassing
There is a hidden message, reason, or answer in every thing. The only thing to do is reveal it by knowing what's behind it.
"Nasaan sina tita?" tanong ko habang naghuhubad ng sapatos.
"Lumuwas muna para kumuha ng mga kagamitan para sa itatanong negosyo nila."
"Ano nga ulit yun?"
"Bakery."
Mahilig kasing magbake ang mama ni Conny. Noon pa man ay tinuturuan niya na ito magbake, kung minsan pa nga, sinasama nila ako.
"Siguradong magiging patok yan. Ang sarap kaya magbake ni tita."
Bukas pa raw ang uwi ng mga magulang niya kaya inimbitahan niya ako dito. Wala raw kasi siyang kasama.
Umakyat sandali sa ikalawang palapag si Conny dahil magbibihis raw siya. Habang ako ay nandito sa sofa ginagawa ang assignment na hindi ko natapos kaninang vacant ko. Kapag may free time ako, it's either may ginagawa ako about sa student council o gumagawa ng mga assignments and projects. Minsan, sinasabay ko narin habang kumakain ng lunch. Ayoko kasi pumatay ng oras, sayang.
Dumiretso sa kusina si Conny pagkababa at kumuha ng pagkain at inumin. She put it on the table and set the tv for the movie that we're going to watch.
"Horror naman panoorin natin." Alam ko kasing romantic movies ang paboritong panoorin ni Conny kaya't alam kong dun ang tungo ng panoorin namin.
Lumukot ang mukha niya, "Eh! Ayoko, baka hindi ako makatulog mamaya."
"Tapos gusto mo pang sampalin si Charlotte, sa horror movies umaatras kana."
"Hindi.. ako takot no! Yung mukha niya pang horror na at kapag sinampal ko pa siya, matatakot na siyang humarap sa salamin."
Pareho kaming natawa pero sa huli, napapayag ko rin siyang manood ng horror movie kaya't nakadikit ito sa akin. Basta't romance naman raw ang susunod naming panonoorin. Nagsisimula pa lang ang palabas ay nakasilip ang kaliwang mata niya habang natatakpan yung kabila ng unan na yakap yakap niya.
Napatingin ito sa akin nang tignan ko siya habang nagpipigil ng tawa. "Baka kasi may jumpscare kaagad, mabuti nang prepared." irap nito.
Natapos namin ang movie ng puro sigaw. Nagugulat ako ng wala sa oras, hindi dahil sa palabas kundi dahil sa mga sigaw at tili ng katabi ko. Mas nagugulat pa ako sa kanya kaysa sa pinapanood namin.
"Alam mo? Wala akong naintindihan sa pinanood natin." Jusko! Konting kibot, sigaw kaagad. The worst part is, nangungurot at nanghahampas pa.
Wala na ngang naintindihan, uuwi kapang duguan sa babaeng ito.
"Nakakaloka yung ending. Imagination lang pala, gagawin niya pa lang yung plano." aniya sabay ngata ng pagkaing nasa lamesa.
"Buti kapa naintindihan mo."
"Bakit? Hindi mo ba nagets?" habang ngumunguya. Mas nakabisa ko pa kung ilang beses niya akong nahampas ng unan niya.
"Paano ko magegets? Tili ka ng tili." Kahit hindi niya hilig ang horror movie gaya ng pinanood namin, halatang naenjoy niya naman ito.
"Horror nga diba?"
"Now it's my turn." Wala pang sampung segundo ay nakahanap na kaagad siya ng panonoorin. Like what she likes, it's a romantic movie.
Akala ko maging matiwasay ang akong panonood pero hindi. Dahil umpisa pa lang ay umiiyak na si Conny.
In the movie, the girl collapsed during his boyfriend's graduation ceremony. They rushed her to hospital and later on found out that the girl has a serious illness. Dun pa lang ay naiiyak na siya.
BINABASA MO ANG
Over the Moon (Ongoing)
RomanceShe is the breadwinner of the family. She does everything without hesitation, just to put everything right where it belongs. She thinks, plans, and organizes every day for the sake of her well-being. She started her day guided by the sun and guarded...