Preparation
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay parang tumigil ang galaw ng nasa paligid ko. Parang huminto ang lahat ng sandali. Hindi ko maipaliwanag basta't ang alam ko lang ay tuloy tuloy ang pagtibok ng puso ko. Mabilis ito. Para akong tumakbo sa karera sa sobrang bilis.
I didn't feel any awkward silence after that. All I can hear is my heart pounding in melody. Kasabay pa nun ang pag kinang ng mga bituin, kislap ng sinag ng binibigay ng buwan, at ng hanging humuhumpay. It was like everything is happening according to its plan.
Yung mukha niyang nakangiti, nakaka... nakakabwisit.
My nerve got me back kaya't pagkatapos ng sinabi niya ay tinalikuran ko na siya.
Binilisan ko hanggang sa tumakbo na ako pauwi.
Nasa bukana ako ng pinto nang maabutan ko si Farrah na nasa sala.
"Hi ate, kamusta paghahanap ng trabaho?"
"Okay naman, hired na ako sa napasukan ko. Magsisimula na ako bukas." ngiti ko habang hinuhubad ang sapatos ko.
"Saan ka magtatrabaho?" tanong nito habang hindi ako nililingon. She seem very busy about a project I think?
"Sa isang convenience store."
"Good for you ate, congrats!" bati nito ngunit hindi parin ako nililingon.
"Kumain na kami ni nanay, ikaw na lang hindi. Nasa kwarto niya na rin siya, nagpapahinga."
Magtatanong na sana ako ngunit nasabi niya narin. Tinanguan ko na lang siya at dumiretso sa kwarto ni nanay.
Kita kong nagpapahinga na nga siya.
"Bukas na lang po tayo magkwentuhan tungkol sa araw ko ngayon. Goodnight." I kissed her in her temple.
This day has been great. I got a job and nanay is resting well, gaining her strength back.
Luan.
Muli kong naalala ang mukha niya sa paligid ng buwan at ng mga bituin.
Tsk! Bat ko ba naalala ang tagpo namin kanina?
Kinabukasan ay gumising ako ng maaga para magluto at maghanda ng agahan. Sabado ngayon at walang pasok si Farrah.
"Farrah gising na, kakain na." Pumasok ako sa kwarto niya dahil kung hindi ko gagawin yun, baka nasira ko na yung pinto niya kakakatok. Ang hirap pa naman gisingin ng babaeng to.
"Gising na." yugyog ko sa balikat niya ngunit tulog na tulog parin ito.
Nilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto niya hanggang sa nahanap ko na ang bagay na kailangan ko.
"Hindi ka babangon o sisirain ko lampshade na ito?" Hindi ko naman sisirain, sinabi ko lang para matakot.
Para namang may nagising sa sistema sa kanyang katawan at bigla na lang siya napatayo at inagaw kaagad sa akin ang lampshade.
"Gigising na nga eh." ani niya habang hinihimas himas pa ang lampshade. Maliit lang ito at lagi itong bukas tuwing gabi. Hindi ko alam pero importante iyon para sa kanya and I respect that. Hinostage ko lang lampshade niya para gumising siya.
Pagkalabas ko ay nakita ko si nanay na kalalabas lang rin ng kwarto niya.
"Good morning nay." ngiti ko sabay akbay sakanya. Binati niya ako nang may ngiti sa labi.
Start your day with a smile and everything will be alright.
"Kamusta ang lakad mo kahapon? Pasensya kana kung hindi na kita nahintay kagabi, inaantok na kasi ako anak."
BINABASA MO ANG
Over the Moon (Ongoing)
RomanceShe is the breadwinner of the family. She does everything without hesitation, just to put everything right where it belongs. She thinks, plans, and organizes every day for the sake of her well-being. She started her day guided by the sun and guarded...