Pagitan
“I feel better now.” He said as he caressed his nape.
Para siyang katipunerong Englishero. Ang cute.
Magtigil ka Gia! Si Luan? Cute? Tila kontra sa akin ng pag iisip ko.
“H-Hindi.” bulong ko sabay tingin ko kay Luan na nakatingin parin sa akin tila pinagmamasdan ako.
“Anong tinitingin tingin mo?” asik ko. Mukha ba akong ice bag para idikit niya ang noo niya sa akin!? Lakas tama!
“Nothing.” tipid niyang sagot.
“Pwede bang magtagalog ka? Buwan ng Wika pa naman ngayon.” I demand. Nakakasira ng imahinasyon at baka matawag ko na naman siyang cute sa isip ko. Tsk!
Gusto ko sanang umatras pero huli na ang lahat nang lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa bewang. He moved closer as he leaned forward.
“Masusunod mahal kong presidente.”
My lips parted and my eyes got widened. A-Anong sabi niya? My heart pounded like crazy. Bakit ka ba ganyan Luan? Bwisit ka talaga! Magkakaheart attack ata ako.
“Hindi naman sila nagsabi na meron palang naiwang mannequin dito.” Kaagad akong natauhan nang sumulpot si Viel sa harap ko kasama si Kiana.
“Anyare sayo?” dagdag na tanong nito.
“Wala. Asan yung iba?” pag iiba ko. Luminga linga ako sa paligid. Kami na lang pala ang tao dito hindi ko namalayan. Nawala bigla si Luan.“Sumunod sila Trace at mga school authorities para ihatid si mayor. Nagpaalam kana ba?” tumango lang ako kay Kiana.
“Jusko, kanina ka pa namin hinahanap. Bumakat na ata talampakan mo sa kinatatayuan mo.” biro ni Viel, ako naman tong naniwala at tinignan kahit wala naman.
Nakita kaya nilang nanggaling dito si Luan? Pero bakit parang nag aalala ako? Ano naman kung makita nila na nanggaling si Luan dito?
“Mukhang may bago na naman akong tambayan ah.” saad ni Viel habang nakangising tinitignan ang paligid.
“Marami akong makikitang talong.” hirit pa nito.
Binatukan siya ni Kiana, “Ang bastos mo!”
“Sus, baka nga ikaw pa mag aya sa aking pumunta rito para magsight seeing.” Hanggang sa makalabas kami ng natatorium ay patuloy ang asaran nila. Natatawa na lang akong nakasunod habang pinapakinggan ang hirit nila sa isa't isa.
Biglaan ang pag alis ni mayor dahil siguro yun sa pinag usapan nila ng bodyguard niya. Hindi ko rin alam bakit biglaan, maybe there's an emergency. Balak pa kasi sana namin siyang i-tour sa buong campus pero hindi na natuloy.
Ngunit sa kabilang dako, naging maayos ang lahat sa pagbisita ni Mayor Guevara at ng kanyang mga kasama. Wala naman naging aberya at mukhang nag enjoy naman siya, wala rin naman akong narinig na negative feedback against our community and to our school.
“Bat ka nakangiti dyan?” tanong ni Conny habang kumakain. Nandito kami ngayon sa cafeteria para kumain ng agahan kasama ang mga officers dahil lahat kami wala pang kain simula kanina.
“I feel thankful dahil naging maayos ang pagbisita dito nila Mayor Guevara. Maraming salamat sainyo ah.” ngiti ko sakanila.
We made an impression proving that their accusations about us and our school is not true. Masaya ako para komunidad ng aming school.
“Salamat rin sayo President G!”
“Nakahinga narin ng maluwag.” ani ni Jace habang nag uunat.
BINABASA MO ANG
Over the Moon (Ongoing)
RomanceShe is the breadwinner of the family. She does everything without hesitation, just to put everything right where it belongs. She thinks, plans, and organizes every day for the sake of her well-being. She started her day guided by the sun and guarded...