Bashful
Sa ilang beses ng pag-iisip kung paano ko itatanong sa kanya ang bagay na gusto kong itanong, tanging yun lang ang sagot na makukuha ko sa kanya.
Wala na bang mas matinong sagot dyan?
But I know, deep inside my mind and my heart that is making lots of pumps right now, I know what's behind those three letters.
Dalawa lang yun pero ayoko munang panghawakan. Wala akong panahon para sa mga salitang iyon.
Tumawa lang siya nang irapan ko siya.
"Sungit." Ngiting ngiting aniya habang nginunguya ng bahagya ang pagkain niya tila naaaliw sa tanging kapalit ng sinabi niya sa akin.
"You're being grumpy Miss President."
Wow! Ako pa talaga ah!
"Tingin mo ba nakakatawa yung sagot mo?" I looked at him with annoyance.
"Seems like my answer is important to you huh?" He makes a playful gesture while smiling.
Hindi!
"Benta ako sayo no!" Padabog kong binagsak ang kutsarang hawak ko. Tuwang tuwa tsk!
"Sobra." He winked.
Pagkatapos naming kumain at bumalik na kami sa school. Hindi narin ako muling nagtanong sa kanya. It clears to me that he just want a friend that's why he's being nice. Kaya siguro nung una pa lang ay nakikipag kaibigan na siya.
Mula sa corridor ay samu't saring bati ang sumalubong kay Luan. Kasabay ko siya at sa pagpasada ng tingin sa paligid, kung gaano katamis at kagayak ang pagbati nila rito, ganoon naman ang lukot na iritasyon ang ibinibigay nila sa akin.
Anong problema ng mga to?
Bilang pagbibigay galang, tinaasan ko rin sila ng kilay. It's like me as their reflection. What they showed in the mirror just reflects back at them. Ang pagkakaiba nga lang, mas maganda ako sa kanila.
Luan is beside me, confidently walking with a serious expression plastered on his face while both of his hands are inside his pockets.
Binilisan ko ang lakad ko. Seems like they're getting the wrong idea that's why they're glaring at me. I forgot that they're all Luan's admirers or fans. Ewan ko kung anong tawag sa kanila, halata naman na may pagtingin sila dito.
"Gia!" He called that made the students gasped
Kumaway na lang ako nang hindi ko siya nililingon at mas lalong binilisan ang paglakad. Nakasalubong ko pa si Conny, Kiana, at Viel na kalalabas lang ng canteen. Dahil magkakaangkla ang kanilang mga braso ay sabay sabay silang nagpatianod nang hilahin ko ang kamay ni Conny.
"Hoy bat ngayon ka lang?" tanong ni Conny.
"Bat ka nagmamadali? At bakit kailangan mo kami isama sa pagmamadali mo?" sunod ni Viel.
Hindi ko sila sinagot at tuluyan na silang tinahak ang daan hanggang sa makarating kami sa building kung nasaan ang opisina namin.
"Natunaw ata ang kinain ko." wika ni Kiana habang hawak ang tyan.
"Anong oras na?" Tinignan ko ang wrist watch ko at pinakita iyon sa kanila. "Kung hindi ko pa kayo hahatakin, hindi pa kayo babalik."
"Pabalik na nga kami." Nag iwas ng tingin sa akin si Viel. "Ikaw kasing babae ka, ang dami mong kinain." Ani nito kay Conny.
Kaagad nitong hindi sinang ayunan ni Conny at umiling-iling pa. "Kahit ang totoo, kaya tayo nagtagal sa canteen dahil para kang langgam kung kumain makapagpacute lang sa isang engineering student."
BINABASA MO ANG
Over the Moon (Ongoing)
RomanceShe is the breadwinner of the family. She does everything without hesitation, just to put everything right where it belongs. She thinks, plans, and organizes every day for the sake of her well-being. She started her day guided by the sun and guarded...