Chapter 10

6 2 0
                                    

Juice


Pagkatapos ng klase ay sandali akong umuwi ng bahay para kunin ang damit ko para sa trabaho.

“Ate.” tawag nito sa labas ng kwarto ko. Kumatok pa ito ng tatlong beses bago ulit ako tawagin.

“Ano ba yon?” Hindi talaga ito makapaghintay. Kung makakatok, akala mo may sunog.

“Sabayan mo muna raw kami ni nanay sa pagkain bago ka pumasok.” ani nito sabay alis sa harapan ko.

Kaagad kong inayos ang mga gamit ko at isinukbit na ang bag ko. Maliit lang ito at wala ng ibang laman ito kundi cellphone at coin purse.

“Ang exciting naman ng paganap niyo next week.” panimula ni Farrah kung kaya't bahagya akong napatingin sa kanya. I know she's talking about the event that will happen in August next week.

“Anong meron next week?” tanong ni nanay.

“Buwan ng Wika po nay. Required po kaming magsuot ng pambansang kasuotan.” si Farrah.

“Talaga?”

“Opo.”

“Sige bukas pa lang ay maghahanap na ako ng damit na maisusuot niyo sa palengke.”

“Nako nay wag na po. Yung baro't sayang sinuot ko noon ay si Farrah na lang magsusuot. Hindi na po kasi kasya sa akin.”

“Pero ate gusto mag Filipiniana–” natigil ang pagsasalita niya nang pandilatan ko siya ng mata. Kaya't napabuntong hininga na lang siya.

“Paano ikaw? Ano susuotin mo?”

Napaisip rin ako kung paano ako makakahanap ng susuotin.

“Didiskartehan ko na lang po.” ngiting saad ko.

Nagpatuloy kami sa aming hapunan hanggang sa nagpaalam na ako sa kanila dahil papasok pa ako sa trabaho.

“Mag iingat ka Gia ah.” nag aalang bilin sa akin ni nanay.

Tumango ako at binigyan siya ng ngiti para kahit papaano'y mabawasan ang pag aalala niya. “Huwag niyo na po akong hintayin mamaya, matulog na po kayo.”

Nang makadating ako sa store ay nakita ko si Lolo Sonny na kausap ang isang staff. May minimuwestra ito hanggang sa lumingon sa kinaroroonan ko.

“Lolo Sonny ano pa pong ginagawa niyo dito?” ang nasa isip ko kasi ay dapat nasa bahay na siya't nagpapahinga.

“Hinintay talaga kita Gia dahil ito ang unang night shift mo.” naiintindihan ko rin naman. Siguro gusto lang niya makasiguro na magiging okay ang panggabi ko lalo na't bago pa lang ako sa trabaho.

“Wag po kayo mag alala, kaya ko naman pong depensahan ang sarili ko at protektahan itong store.”

“Alam ko iyon Gia pero mas mabuti parin kung may kasama ka.”

Gumilid ng bahagya si Lolo Sonny para makita ang nasa likuran niya. Lumapit ito sa akin.

“Hi Gia, I'm Dory. It's nice to meet you. Grabe ang ganda mo naman. Nasabi ka kasi sa akin ni lolo–”

“Dory dahan dahan lang.” putol sa kanya.

Natawa ako sa sinabi ni Lolo Sonny. Mukhang hindi ako mabobored sa night shift ko. She seems talkative yet bubbly. She's cute with her short hair and bangs.

“Lolo naman syempre winewelcome ko lang ang new employee at hindi ko pa siya lubusang nakikilala pero bet ko na siya kasi–”

“Pasensya kana Gia, madaldal talaga. Wala na akong magawa.”

Over the Moon (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon