Chapter 14

9 0 0
                                    

Condom



I really don't know what's with that guy. When you looked at him, he's very intimidating and serious. That would somehow be someone's impression in him. Pero hindi nababawasan at mawawala ang kagwapuhan niya.

I don't know if he has friends but mostly, everyone in our campus admires him. Majority because of his looks.

Pero nag iiba ang tama niya kapag nagtatagpo ang landas namin. Kung ano ano ang sinasabi. Alam ko ang ibig niyang sabihin kaya nga napapatibok niya na lang bigla ng mabilis ang puso ko.

Sorry Luan but I have no time for your flattery words. I'm not the girl who can be tamed easily. Hindi ako bibigay.

"Huy patingin na ako ng picture mo." kanina pa nangungulit si Dory na makita yung itsura ko habang nakasuot ng Filipiniana. Hindi ko kasi maipakita sa kanya dahil maraming customers ang bumibili kanina.

Dalawang araw ang nakakalipas mula nang dumalaw sa school ang Mayor ng Poblacion ay siya ding walang tigil na pangungulit sa akin ni Dory tungkol sa kung ano ang itsura ko nung Buwan ng Wika.

Since humupa ang at kumalma na dahil kami na lang ulit dalawa ay ibinigay ko sa kanya ang phone ko.

"Para ka ng Presidente ng Pilipinas na aattend ng SONA. Bodyguard na lang ang kulang."

"Talaga ba?" ngiti ko sa kanya.

Tumango lang siya habang nakangusong tinitignan ang mga susunod na litrato.

"Hindi ko nga inaasahan na yan ang ipapasuot sa akin ng best friend ko. First time ko lang kaya magsuot ng ganyan."

"Salamat sa kanya!"

Ilang beses na ata ako nakatanggap ng complement tungkol sa araw na ito. To be honest, it gives butterflies on my stomach. I feel thankful and flattered.

All of a sudden, Lolo Sonny came in.

"Good evening Lo." bati ko sa kanya.

"Bat ka nandito Lo? Diba dapat nagpapahinga kana? Kumain na po ba kayo?" dire diretsong tanong ni Dory.

Paano kaya kung sinabihan siya ni Lolo Sonny nang, "Dory, kumalma ka."

"Okay naman po ang lahat. Wala pong problema. In fact, ang dami nga pong customer kanina kaya maraming kita. Busog na busog na naman ang cash register niyo." dagdag niya.

Nagkatinginan kami ni Lolo Sonny at parehas na natawa sa sinabi ni Dory.

"That's good. Pumunta ako dito dahil may mahalaga akong sasabihin sainyo."

"Mukha ngang mahalaga kasi personal pa kayong pumunta dito, pwede niyo naman i-tawag na lang–"

"Dory.." Bahagya kong pinisil ang balikat niya. "Makinig na muna tayo." kalmahan mo lang. Ang daldal talaga.

Tumingin ako kay Lolo Sonny at tumango.

"Gaya nga ng sabi ko, may mahalaga akong sasabihin sainyo. May bago kayong empleyadong makakasama. Iniisip ko rin ang kaligtasan niyo lalo na sa gabi kaya't naghanap ako ng kasama niyo."

Kahit sinabi ko na kaya kong protektahan ang convenience store ay tama at may point rin si Lolo Sonny. Nag aalala lang siya para sa amin ni Dory na empleyado niya. Lolo Sonny is indeed a nice boss. He didn't act one, instead, he treat his employees his family.

"Lalaki po ba o babae?" tanong ko.

"Lalaki."

Kaagad naman akong napaisip habang hindi magkamayaw at kaagad na binato ni Dory si Lolo Sonny ng mga tanong.

Over the Moon (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon