Chapter 8

12 2 0
                                    

Much better


Life will really do things that will make you realize the importance of living.

You'll be able to understand things once you've been through it or someone will tell you to try it.

We strive because it's our mission to fight in order to survive.

Kaya ako, I keep myself motivated and determined for my family.

Nag apply ako sa iba't ibang business establishments na pwede kong pag applyan. Ang iba'y hindi ako tinatanggap dahil mas tumatanggap raw sila ng mas well experienced pagdating sa pagtatrabaho.

Sanay naman ako kumayod dahil kahit hindi man ako pormal na nakapagtrabaho na talaga, sa murang edad ay tinutulungan ko na ang nanay ko sa pagtitinda ng mga prutas sa palengke. That's also considered as work. It somehow molds my skills to do tasks.

Totoo nga ang sabi nila, malalaman mo ang tunay na kahulugan ng buhay kapag nakapagtapos kana ng pag aaral. You manage to finish your journey as a student yet it's just the start because you'll enter the reality. It's just the beginning, you have a long way to run.

"You're a student from Poblacion?"

Tumango ako.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagngiwi nito at tila nangamba ang kanyang mga mata.

"Sige miss, tatawagan kana lang namin if you're qualified for the job." ani ng manager ng isang grocery store.

Nakangiti akong umalis kahit alam ko na hindi ako tanggap marahil sa kadahilanang nalaman niyang nag aaral ako sa Poblacion.

Tinignan ko ang wrist watch ko at saktong alas dose na pala ng tanghali. My stomach suddenly growled.

Nakain ko na kanina ang pagkain binigay sa akin ni nanay kanina.

Naglakad ako palabas at nakita ang isang karinderya sa hindi kalayuan.

Napagpasyahan kong dito na kumain sapagkat ramdam ko na ang kumakalam kong sikmura. Isa pa't mura at lutong bahay.

"Isa pong pinakbet."

Kaagad tinakalan ng tindera ng kanin ang plato at inilapag iyon sa harap ko. Kasunod naman nun ang isang batang lalaking na may hawak hawak na mangkok kung saan nakalagay ang ulam at pitsel.

"Ate, ang ganda mo." ani nito matapos ilapag sa mesa ko.

"Ang cute mo rin, salamat." ngumiti lang ito saka umalis na sa harapan ko.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay lumapit ito sa akin. Luminga linga pa ito sa paligid na parang may binabalak.

Inilahad niya sa harapan ko ang isang sachet ng mango juice.

"Ate, lagay mo yan sa inumin mo tas haluin mo. Masarap yan." pasimple niyang saad sa akin.

"Wag mong sabihin kay nanay ah. Baka batukan ako eh. Babye." atras nito at pumunta na sa gawi ng mga pagkain. Nanay niya pala yung nagtitinda.

Nang matapos akong kumain ay itinimpla ko ang kalahati ng sachet na juice sa baso ko. Nakita ko ang bata na nakangiti sabay thumbs up pa. Nginitian ko rin siya pabalik at ininom na ang juice.

Tumayo na ako at muling tinignan ang bata. I bid goodbye and leave.

"Nay kumain na po ba kayo?" tanong ko mula sa cellphone. Nasa labas na muli ako nang tawagan ko si nanay. Gusto ko lang makasiguradong nakakain na siya.

"Oo naman anak. Ikaw?"

"Nakakain na rin po ako." ani ko habang tinitignan ang iilang motoristang binabaybay ang daan.

Over the Moon (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon