Chapter 18

1 0 0
                                    

Love



"Ano bang pinagsasabi mo? Aksidente man o hindi ang nangyari kanina, nangyari na. Ketchup lang naman-"

"Hihintayin mo pa bang may mas malalang mangyari?"

Ano bang pinaglalaban nito?

"Whatever it is, wala akong pakialam. Kaya ko ang sarili ko. Thanks for the concern but I don't need your protection." ani ko at nilagpasan na siya.

Hindi ko kailangan ng magtatanggol sa akin. Bata pa lang ako, natuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa. I don't need him by my side. Besides, it's kinda ridiculous to think that some girls would hurt others just because a guy they adore is with someone. Okay lang sana kung girlfriend kaso hindi naman. Kung maka asta e wala namang relasyon.

Some things aren't meant to happen, at isa na siguro request niyang maging bodyguard ko. Siguro nga kalokohan lang yun.

"Oh my gosh! Nag cr lang ako sandali. Ano nangyari sayo?" salubong sa akin ni Conny sa corridor. She held me my bag.

"Wala, aksidente lang."

"Si Charlotte raw ang may gawa. Tingin mo aksidente yun?" Napabuntong hininga ako.

"Wala na yun. Hindi dapat pinapalaki ang mga ganung bagay."

Hindi dapat pinapatulan ang mga ganoong bagay. Maaring maging issue yun kung palalakihin. It's really nonsense for me.

"Kapag nakita ko yun, sasampalin ko talaga siya. Bakit hindi mo i-report? Tiyak na madudungisan ang records niya."

"Cut it Conny. Kakasabi ko lang, hindi na dapat palakihin. It's no big deal for me. Tapos na okay? Stop it."

Jusko, kung papatulan ko, what benefit could I get? Tss.

Pumunta ulit ako sa canteen hindi para balikan ang may gawa ng nangyari sa akin kanina. Kundi para bumili ulit ng pagkain. Pansin ko ang tinginan ng mga estudyante nang maglakad ako papunta sa counter. Hindi ako magpapaapekto. It's a waste of time. Napairap ako sa isip ko.

"Don't say a word Conny. Wala akong pakialam sa kanila kung pag usapan nila." Binigay ko sa kanya ang pagkain. "Libre ko."

Lumiwanag ang mukha niya, "Taray! Sana masundan pa yung usapan sayo ng mga tao para ilibre mo ulit ako."

"Sira!" Pareho kaming tumawa.

Sa mga sumunod na araw naging abala kami sa pag compromise at pagplano para sa mga future projects na aming isasagawa soon. Humupa narin ang usapan sa nangyari sa canteen. Wala naring masyadong nagmamata sa akin. I don't really mind pero syempre, napapansin parin ang mga panghuhusga base sa kanilang mga tingin at kilos.

Hindi narin kami muli nag usap ni Luan simula nang mag usap kami tungkol sa nangyari. I've been busy a lot in school, ganun rin siguro siya. I don't know but I'm sure he's doing his own thing.

Ngunit nagtatagpo parin kami after school dahil pareho kaming pinapasukan ng trabaho. Para akong walang kawala sa kanya.

Buti na lang at nandoon si Dory para mag ingay. Kasi kung kaming dalawa lang, baka magmistulang disyerto ang kapaligiran. Wala akong planong kausapin siya kahit madalas na nagtatagpo ang aming mga mata. Wala naman akong sasabihin sa kanya. Nagkakaroon lang kami ng communication when it comes to work, if there's a question or a command. Nothing else.

"We will attend L.E.A.D Leadership Training this Saturday. Three officers lang pwedeng umattend kaya president, vice president, at secretary lang ang kasama." anunsyo ni Miss Dimaano, ang teacher na humahandle sa aming officers ng student council.

Over the Moon (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon