02

133 9 15
                                    

Eunbi's POV

A FEW WEEKS LATER

Isa nanamang araw, nandito na ako sa room pero si Sakura wala parin. Chaeyeon nanaman ang inatupag ng bruha.

"Good morning!" Bati sakin ni Yena. Kakadating lang niya, kasama si Hyewon.

"Good morning din" bati ko pabalik.

Tahimik lang na umupo sa tabi ko si Hyewon. Malamig parin at walang expresyon ang mukha niya.

"Kwangbae! Hindi mo manlang babatiin si Eunbi unnie?" Tanong ng pato.

"There's nothing good in morning dumb duck" malamig na ani ni Hyewon.

"Tsk, ewan ko sayo" pag mamaktol ng pato.

Di nag tagal kita kong hinatid ni Chaeyeon si Sakura, ngiting ngiti ang gaga, ang galing naman talaga.

"Yieeee bagay kayo ni Chaeyeon" panunudyo ni Yena.

"L-lah! Friends lang kami ah" ani ni Sakura.

"Friends your face, namumula ka nga" pang aasar pa ng pato.

Tahimik lang ako pero may pag uusapan kami pag uwi.

Dumating ang prof namin at nag simulang mag turo.

"Okay that's all, hindi ako makakapasok ng isang buwan p—"

"Wohoooo!" Sigaw ng mga estudyante akala mo mga bata eh!

"Pero! Gagawa kayo ng special project, partner niyo ang seat mate niyo" ani ng prof namin.

Ambang aalis na ang prof ng mag taas ng kamay si Yena sabay tayo.

"Ano yun Ms.Cho—"

"Prof teka muna sandali! Eto? Partner ko? Sir mag aaway lang kami nito eh!" Bulyaw ni Yena.

"Wala kang magagawa, unless gusto mo gunawa ng individual. Tandaan mo Ms. Choi isa lang brain cell mo" ani ng prof sabay bahagyang natawa.

Nag tawanan ang buong klase, kahit ako natawa rin eh. Biro lang naman yun, nagulat ako ng narinig ko ang babaeng katabi ko tumatawa.

Ngayun ko lang siya narinig tumawa, sa totoo lang ang sarap sa tainga ng tawa niya.

Sa nakalipas na mga linggo,hindi ko mashadong nakaka usap si Hyewon. Pero medyo may closeness naman kami, sadyang tahimik lang siya.

"Prof naman!" Bulyaw ng pato.

"Sige na Ms. Choi kaya niyo yan! Fighting!" Ani ng prof bago tuluyang umalis.

"Takte naman oh! Oh Miyawaki kelan natin gagawin yung project?" Rinig kong tanong ni Yena.

"Kapal mo maka tawag sakin ng Miyawaki mas matanda ako sayo" ani ni Sakura.

Nag babangayan lang ang dalawa sa likuran, wala akong ibang nagawa kundi akg maiiling.

"Hyewon.?" Tawag ko.

"Hm?"

"Kailan natin gagawin yung proje?" Tanong ko.

"Uhm..."

"Ikaw bahala" ani niya.

Seriously? Tinatanong ka eh.

"Uhm, mamaya?" Tanong ko.

"Sige, see you later Eunbi" ani niya bago nag smirk.

Lah? Inaasar nanaman niya ako sa hindi niya pag tawag sakin ng 'unnie'

Dinala na niya ang bag niya at naglakad palabas.

"Let's go dumb duck!"

"Ah sh*t! Mag chat na ngalang tayo pusa ka!" Bulyaw ni Yena.

"Sige pato! Ingat kayo!"

Tumakbo na paalis si Yena para sundan si Hyewon.

"Alam mo ba kung san nakatira si Hyewon?" Tanong ko kay Sakura.

"Unnie, nasa iisang dorm lang sila." Ani ni Sakura.

"Sabagay, malamang alam mo kung san yun." Ani ko.

"Oo naman, ako pa ba?"

"So gusto mo talaga yung Chaeyeon" pag iiba ko ng topic.

"Sobr- lah! Hindi ah! Friends lang kami!"

"Tanggi ka pa, obvious ka Miyawaki" ani ko.

"Ako sayo itigil mo na yan" ani ko.

"Hindi kayo pwe-"

"Hindi tayo pwede~"

Abay biglang kumanta.

"Shh! Tumigil ka nga, mabasag pa mga salamin eh!" Mahinang bulyaw ko.

"Pinag tagpo ngu-"

Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"Sabing tama na eh"

Tinawanan lang niya ako.

Pag uwi namin ay agad na kaming mag ayos papunta sa tinitirahan nila Hyewon.

"Pagalitan ka ni Eunbi unnie nyan" ani ni Hitomi.

"Try ko lang naman toh para sa kasal namin ni Chaeyeon" tumaas bigla ang tainga ko.

"Hindi kayo pwede unnie!" Bulyaw ni Yuri.

"At sabay sabay tayong kumanta!"

"Hindi tayo pwede~" narinig kong kumanta na sila.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Sakura nakasuot ng white gown nag lalakad lakad pa sa salas at pakaway kaway.

"Pinag tagpo ngunit di tinadha—"

"HOY MIYAWAKI ANO PAPAKASAL KANA? GAGAWA TAYO PROJECT HINDI KASALAN!" Bulyaw ko na kinagulat nilang lima.

"Sabi ko nga mag bibihis na ako eh" ani ni Sakura at tumakbo papunta sa kwarto.

"Sabi na mapapagalitan siya eh" ani ni Hitomi at bahagyang natawa.

Nailing nalang ako, sobra na ata tong nangyayare.

Hindi naman daw kalayuan ang dorm nila samin.

"Maayos ba itsura ko Eunbi unnie?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Maganda ba ako?"

Tumango lang ako.

"Present—"

"Oo na Sakura, beautiful, gorgeous,pretty,maganda,presentble,maayos,malinis,makinis,shining shimmering splendid" mabilis na bigkas ko sa isang bugahan lang.

Tinawanan lang niya ako, ayaw niya kasing matahimik.

Ilang hakbang pa ay tumigil siya at natigilan din ako.

"Oh bakit?" Tanong ko

"May masamamg bulong ang hangin" ani niya dahilan para batukan ko siya.

"Aray naman unnie!" Bulyaw niya.

"Kaka encantadia at kaka dikit mo kay Yena yan eh!" Bulyaw ko.

"Sorry na, dito na tayo" ani niya at tumapat sa isang pinto.

Okay, let's get it.

Otor

Sorry sa typo and mistakes, naguguluhan ba kayo? Oo ako rin HAHAHAHAHAHAA sana basahin niyo parin!

Black Angel|| KangBi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon