Eunbi's POV
Nasa classroom na ako ngayun, nag tataka ako kung bakit wala pa si Hyewon.
"Unnie ano palang nangyare kahapon? Hindi ka pa nag kekwento" ani ni Sakura at ipinatong ang baba niya sa sandalan ng upuan ko.
"Ayoko ikwento, baka mag tititili ka dito sa school" ani ko.
"Hala ackkkkk!"
At ayan na nga, wala pa akong sinasabi nag sisisigaw at tumili na ang gaga.
"Hoy! Sakua tumigil ka nga!" Bulyaw ko bago takpan ang bibig niya.
"Sakura napano ka?" Tanong ng president namin.
Tinanggal ni Sakura ang pag kakatakip ng kamay ko sa bibig niya.
"Wala unnie" ani ni Sakura tumingin sakin at ngumiti ng nakakaloko sabay pa sa pag taas baba ng kilay niya.
Kunot noo ko siyang tinignan at laking gulat ko ng bigla nalang sumulpot si Hyewon sa harap ko.
"Good morning Eun" ani ni Hyewon at binigyan ako ng red roses.
"Omah-"
Bago pa tuluyang makasigaw si Sakura ay nilagyan na ni Yena ng tinapay ang bibig niya.
"Wag mo sirain yung moment!" Pabulong na bulyaw ni Yena.
"Thank you Hye" ani ko at ngumiti sabay amoy sa bulaklak. Ang bango ng mga ito.
Umupo na si Hyewon at tiningnan ako.
"Bakit?" Tanong ko.
"Wala, masama bang titigan ka?" Tanong niya.
Umiling ako, naiilang ako sa mga titig niya. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko.
"The Kang Hyewon, on action na!" Bulyaw ni Yena.
"Tingnan mo tong patong toh, ikaw nag sabi na wag sisirain yung moment tas ikaw sisigaw sigaw jan" ani ni Sakura.
"Shh nag tititigan yung dalawa eh".
At hindi na sila natapos sa bangayan.
Habang eto kaming dalawa ni Hyewon, nakatitig sa isa't isa.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
"Everything about us fits perfectly" ani niya at ngumiti.
P*tang ina tulungan niyo ko!
Mababaliw ako dito!Hindi ko mapigilan ang pag kurba ng malapad na ngiti saking mga labi.
"Hyewon-ah" tawag ko sa kanya.
Tinaas niya ang kilay niya sign na nag tatanong siya kung bakit.
Lumapit ako sa tainga niya at bumulong.
"I love you" bulong ko sa pinakamatamis na tono na kaya ko.
Kasabay ng pag layo ko kita ang pag pula ng pisngi niya at pag kagat niya sa pang ibabang labi niya.
"Okay so the winner is-"
"Shut up"
Natigil ang sasabihin ni Yena dahil lang sa dalawang salita na nag mumula kanino pa ba? Edi kay Hyewon.
Todo pigil sa pag ngiti ang babaeng matakaw bago lumingon sakin at saka niya ito inilabas. Nakakahawa ang mga ngiti niya, kaya eto ako nakangiti na rin.
"Ms. Kwon and Ms. Kang nandito na ako mamayang break time niyo na ituloy yan"
Laking gulat ko ng marinig ko ang boses ng prof namin. P*tang ina hindi ko napansin nandyan na pala siya.

BINABASA MO ANG
Black Angel|| KangBi AU
FanfictionKasalanan ko kung bakit bawal tayo, hindi ko sinasadya ang mga ito. Nais kong bumawi sayo, pero pano kung ayaw mo? -Hyewon KangBi Fantasy TAGLISH AU