03

130 9 39
                                    

Eunbi's POV

Nag aantay kami na buksan ang pintuan, ilang sandali na ay wala parin.

"Chae—"

Bumukas ito bigla at niluwa nito si

"Hi b— I mean hi Eunbi unnie, Saku-chan" Chaeyeon.

"Nandito kami para sa project" hindi para mag harutan kayong dalawa.

Binigyan ko siya ng nakakatakot na ngiti dahilan para malunok niya ang sarili niyang laway.

Dumating si Hyewon sa casual poker face niya.

"Hmmm! Ayoko gumawa ng project!" Rinig kong pag mamaktol ni Yena.

"Pasok kayo" ani ni Hyewon.

Pag pasok namin ay dumiretso kami sa sofa kung san namin nakita si Yena nakahiga at nag mamaktol parin.

"Yah! Choi Yena tumayo ka jan paupuin mo sila Eunbi!" Sigaw ni Hyewon dahilan para mapa ayos si Yena ng upo.

"Upo kayo unnie" ani ni Yena.

Umupo lang kami, at ilang saglit pa nag haharutan na si Sakura at Chaeyeon.

Anak ng—

Sabing project eh, hindi landian!

"Uhm oh, may bisita pala" ani ng isang babaeng maliit na biglang lumabas.

"Oo, project sana. Kaso biglang nag harutan" ani ni Yena at nakatingin kay Sakura at Chaeyeon.

"Yabuki Nako pala" pakilala ng babae.

"Kwon Eunbi" ani ko at ngumiti.

"Yung babae dun, kaharutan ni Chaeyeon. Dracula pangalan niya" ani ni Yena.

Lumingon si Sakura at ang sama ng tingin niya kay Yena.

"Sakura pangalan ko hindi Dracula g*go!" Bulyaw ni Sakura.

"Hoy wag ka mag mura may grade one dito!" Sigaw ni Yena.

"Anong grade one hah?!" Sigaw ni Nako at binatukan si Yena.

"You Midget!"

Tumakbo si Nako at agad naman siyang hinabol ni Yena.

"Nasan si Hyewon?" Tanong ko.

"Nasa kusina!" sagot ni Yena na nasa kung saan.

"Hyewon-ah!" Tawag ko kay Hyewon.

"Sa kusina!" Rinig kong sigaw niya.

Aba p*ta pano ko malalaman kung san yung kusina diba?

Lumakad ako sa isang gilid at nakita ko ang banyo, ginamit ko na rin toh since naiihi ako.
Pag labas ko ng banyo ay nagulat ako ng biglang sumulpot si Yena tumatakbo. Ay bigla nalang siyang bumalik.

"Dun yung kusina Eunbi unnie" tinuri ni Yena ang direksyon gamit ang labi niya saka tumakbo.

Bahagya akong natawa dahil dito, ang cute kasi nung labi niya. Literal na pato talaga.

Nag lakad ako pa punta sa kusina nila.

"Hyewon-ah" tawag ko.

Gulat ako ng tinapat niya ang pizza sa bibig ko.

"Take a bite" ani ni Hyewon.

Ibinuka ko ang bibig ko at kumagat ng malaki. Hindi pa ako kumakain, kaya hindi ko na toh tinanggihan.

"Take a seat" ani niya at tinuro ang upuan.

"Hyewon di naman ako aso" ani ko.

"Hindi nga, you look like a bunny" ani niya dahilan para mapataas ang kilay ko.

Black Angel|| KangBi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon