12

96 8 7
                                    

A FEW MONTHS LATER

Sakura's POV

Hindi ko na alam gagawin ko, nandito ako sa kwarto nakatingin sa kisame.

Miss ko na si Chaeyeon, hindi ko alam kung panong nag kikita ang mga kapatid ko at mga jowa nila ng hindi sila nahuhuli ni Eunbi unnie.

Speaking of the angel, ayun siya. Gaya ko tulala madalas, alam kong hindi niya gusto yung mga sinabi niya. Pero dahil panganay siya hindi niya pwedeng pairalin ang puso niya.  Sa kingdom, ang mga panganay ay tagapag mana ng trono. Hindi siya pwedeng nag padala sa emosyon, at kailangan niyang unahin ang bayan. Naawa ako kay Eunbi unnie sa totoo lang.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Napapikit nalang ako ng marinig ko nanamang umiiyak si Eunbi unnie.

P*tang ina hindi ko na kaya toh!

Nasasaktan ako pag naririnig ko siyang umiiyak. Tumingin ako sa pinto ng balcony. Nandun siya, ayaw niyang nakikita namin siyang umiiyak.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto, siniguradong hindi ako makakagawa ng kahit na anong ingay. At tama nga ako, dito siya umiiyak.

Lumapit ako at niyakap siya mula sa likod.

"Eunbi unnie.."

"Oh K-kurra, may kailangan ka ba?" Tanong niya bago punasan ang luha sa pisngi niya.

"Wala unnie, wag ka mag sikreto sakin. Pangalawa ako, maasahan mo ko" ani ko.

Humarap siya at ngumiti, akala mo hindi siya nasasaktan.

"Salamat Kurra.."

"Sige iyak ka pa, pero dapat iinom ka ng isang galong tubig pag katapos ah" biro ko.

"Letse, kailangang mag tipid" ani niya at bahagyang natawa.

"Unnie, nandito lang ako. Hindi kita iiwan wag ka mag alala" ani ko.

"YAH! MIYAWAKI SAKURA!" Bulyaw niya.

Natawa ako dahil dito, alam na alam ko kung paano siya paiyakin.

Hinila ko siya at niyakap.

"Sige lang iiyak mo na yan unnie, wag ka mag alala. Pag dating ng araw magiging maayos din ang lahat."

Niyakap niya ako ng mahigpit.
Hinaplos ko ang likod niya, nahihirapan din ako. Ayokong nakikita siyang ganito, kung meron lang paraan para maging maayos ang lahat. Kung meron lang ako pwedeng gawin o kahit ano.

"Sakura.."

"Bakit unnie?"

"You miss her too don't you?"

"Unnie..."

"Wag ka mag sinungaling"

"Yes I do.."

Yes, I miss her.
I miss you Lee Chaeyeon!

"Alam niyo ang titigas ng ulo niyo noh?"

Humiwalay siya sa yakap.

Nagulat kami ng bumukas abg pinto.

"Isang gallon ng sprite nandito na!" Ani ni Wonyoung.

"Char unnie hindi gallon, baka pagalitan mo ko" bawi niya.

Dala niya isang bote ng sprite at inilapag ito sa lamesa.

"Oki alis na ulit ako" at maya maya ay wala na si Wonyoung sa paningin namin.

"Alam niya kung anong nangyayare" ani ni Eunbi unnie.

Umupo kami sa upuan at binuksan  niya ang sprite bago ito inumin.

Black Angel|| KangBi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon