A FEW DAYS LATER
Eunbi's POV
"Pangako iingatan kita"
"Salamat.." ani ko.
"Pasensya ka na rin sa pag trato ko sayo nung mga nakaraang araw"
"Wala yun, alam ko namang hindi mo ko basta basta pag kakatiwalaan eh" ani ko.
"Eunbi, kahit anong mangyare. Wag mo kakalimutan pag kakaibigan natin ah"
"Oo naman!" Ani ko.
"May ipapakita ako"
"Ano yun?" Tanong ko.
Laking gulat ko ng biglang mag dilim ang lahat.
"Eunbi unnie!"
"Eunbi unnie!"
Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko. Panaginip, ulit.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Sakura.
"Oo bakit?"
"Unnie para kang may kausap jan eh" ani ni Sakura.
"Wala may napanaginipan lang ako" ani ko.
"Mag ayos na kayo, may pasok" dagdag ko.
TIME SKIP
"Hyewon-ah, ayos na toh?" Tanong ko kay Hyewon.
Nasa classroom kami at tinatapos ang project.
"Oo, tara dalhin na natin sa office ni prof" ani niya.
Dinala namin sa office ang project, inilapag namin ito sa table saka lumabas.
"Eunbi-yah" tawag niya sakin.
"Hyewon namimihasa ka na, wala kang galang sakin" ani ko.
Tiningnan ko siya ng masama at tinawanan lang niya ako.
"Bat ka tumatawa?!" Galit na tanong ko.
"Ang cute mo pag galit ka" ani niya at ngumiti bago guluhin ang huhok ko.
"Yah! Kang Hyewon hindi ako bata!" Bulyaw ko.
"Height mo pang bata" pang aasar niya.
Hinampas ko ang balikat niya, at tumawa pa siya ng pag ka lakas lakas.
Parang t*nga kainis.
"Bahala ka nga jan!"
Tinalikuran ko siya at lumakad palayo, laking gulat ko ng maramdaman kong may mga brasong bumalot sa bewang ko at ulong pumatong sa balikat ko.
"Joke lang eh, di ka naman mabiro"
Nilingon ko siya at halos mag dikit na ang mga labi namin.
Bigla akong natigilan hindi ako makagalaw, napatitig lang kami sa isa't isa.
Napaka bilis ng tibok ng puso ko, kulang nalang ay lumabas ito sa dibdib ko. Hindi ko napansin na bumaba ang titig ko, mula mata,ilong, hanggang labi. Lalo pang lumiit ang distansya ng mukha namin.
Maya maya pa ay—
"Kwangbae"
"P*tang ina" rinig kong mura ni Hyewon at nilingon ang tumawag sa kanya.
"Anong kailangan mo pato ka?" Tanong niya.
"Naistorbo ko ata kayo sige mamaya nalang" ani ni Yena at tumakbo palayo.
Rinig kong may binulong si Hyewon.
Tumalikod ako sa kanya, pakiramdam ko sobrang init ng pisngi ko. Mali toh...
"U-una na ako Hyewon." Paalam ko.
"Sabay na tayo" ani niya.
"Hindi na, may pupuntahan pa ako" pag tanggi ko.
"Saan? Samahan na kita"
Abay ang kulit.
"Hindi na, umuwi ka na"
"Eun-"
"Kaya ko sarili ko Hye, umuwi ka na"
"Okay.."
Pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang batok ko. Ngumiti siya bago halikan ang noo ko.
"Mag iingat ka hah, una na ako"
Lumakad na siya palayo.
Huminga ako ng malalim bago nag simula na ring mag lakad.
Pupunta ako sa lugar kung saan ako madalas pumunts sa tuwing marami akong iniisip.Sa taas ng isang bundok hindi kalayuan sa school.
Siguro lilipad nalang ako? Hindi rin, masisira uniform ko. Sasakay nalang ako ng bus.
A FEW MINUTES LATER
Nasa taas na ako ng bundok, bilis ko noh? Haha.
"Yah..." bulong ko sa hangin.
Nakatingin ako sa view, mga building na nag tataasan. Kita pati school at dorm.
"Do I love her.?" Biglang lumabas sa bibig ko.
"Ano na ba toh? Hindi toh pwede eh.."
Umupo ako sa malaking bato.
"Hyewon..."
"Anong ginagawa mo sakin.?"
"Bakit kakaiba pakiramdam ko pag nandyan ka?"
"Bakit napapangiti nalang ako bigla?"
"Bakit gusto ko palaging makasama ka?"
"Bakit parang ayoko ng malayo ka sakin?"
"Ba-"
Natigilan akong biglang humangin ng malakas, akala mo may anghel ding lumapag.
Tumingin ako sa paligid, wala namang kahit anong nilalang.
Huminga ako ng malalim kasabay ng pag dapo ng malamig na hangin sa balat ko, napapikit ako.
"Hyewon.."
Pangalan nanaman niya..
Next ka na Eunbi unnie
Naalala ko yung sinabi ni Sakura...
Totoo kaya? Nahuhulog na ang loob ko kay Hyewon?
Hindi toh pwede, tao siya. White angel ako, bawal.
Anong gagawin ko? Hindi pwedeng mag padala din ako.
Pero...
Nahihirapan akong labanan, hindi ko na mapigilan.
Nahulog na ako eh, anong gagawin ko?
Tama o nararamdaman ko?
Napakagulo, di ko na alam kung paano toh.
Otor
Okay so hindi ata ako makaka update bukas? Kasi wala pa akong nasusulat AHAHAHAHAH.
Pasensya na guys, sorry sa typo and mistakes! Keep safe everyone!

BINABASA MO ANG
Black Angel|| KangBi AU
FanfictionKasalanan ko kung bakit bawal tayo, hindi ko sinasadya ang mga ito. Nais kong bumawi sayo, pero pano kung ayaw mo? -Hyewon KangBi Fantasy TAGLISH AU