Eunbi's POV
Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko. Panaginip, nanaman.
Ilang gabi ko ng napapanaginipan yun, pero blur ang mukha niya.
Sino siya?"Eunbi unnie ayos ka lang?" Napalingon ako kay Sakura.
"Oo naman, gising na ba ang iba?" Tanong ko.
"Hindi pa"
Tumango ako at lumakad papunta sa kusina. Anim kami dito, mag kakapatid pero mag kakaiba ng ama. Kami ang anim na dugong bughaw na white angel. Pinadala sa mundo ng mga tao dahil may nagaganap na digmaan sa mundo namin. Laban ng white at black angels.
Nag simula akong mag luto at nag simula na ring mag labasan ang mga kapatid ko.
"Good morning Eunbi unnie!" Bati ng pinaka bata samin.
"Morning Wonyoung, kunin mo na yung gatas sa ref" utos ko.
"Oki"
"Morning Eunbi unnie" sabay sabay na bati ng tatlo pa. Sandali ko silang nilingon, nag uunat unat at nag kakamot pa ng mata.
"San kayong tatlo galing kagabi?" Tanong ko.
Natigilan sila sa tanong ko, bakas ang gulat sa mukha nila.
"Wag kayong mag sisinungaling sakin" dagdag ko pa at ibinaling ang mata ko sa niluluto ko.
"Sumilip kami sa Kingdom.. unnie.." panimula ni Minju.
Agad kong pinatay ang kalan at lumingon sa kanila.
"Anong nakita niyo?" Tanong ko.
"Ganun parin unnie, walang nagbago" ani ni Hitomi.
Huminga ako ng malalim bago inilagay ang fried rice sa pinggan.
"Wag niyo ng ulitin toh, delikado" mahinahong ani ko.
Ilang taon na ang digmaang iyan, hindi na natapos. Sanggol palang si Wonyoung noon, at malapit na siyang mag adult ngayun.
"Mag si kain na kayo, may pasok tayo" ani ko at nag simulang mag hain sa lamesa.
"Hindi ka ba galit Eunbi unnie?" Tanong ni Yuri.
"Sino namang nag sabi na di ako galit huh Jo Yuri?" Tanong ko.
Ramdam ko ang takot sa kanilang tatlo, nag aalala lang naman ako. Ayokong mapahamak sila.
"Kain na" ani ko.
Lumakad ako papasok ng kwarto at nag ayos ng sarili ko para mag handang pumasok.
Pag dating ko sa hapag kainan ay hindi parin sila nag sisimulang kumain.
"Oh? Ano na? Malalate tayo" ani ko.
"Unnie, sorry" ani ni Yuri.
"Hays, okay. Wag na kayo mag alala kung galit ako o hindi. Ayoko lang na maulit toh, okay? Mag ayos na kayo" ani ko.
"Thank you unnie!" Masiglang ani ni Minju at niyakap ako. Sumama na rin ang iba pa.
"Nako kayo talaga, sige na dalian niyo na" utos ko.
Nag madali silang kumain at nag ayos.
TIME SKIP AT THE SCHOOL
Nasa school na kami ngayun, si Sakura lang ang kasama ko.
Mag kakalase si Yuri,Hitomi at Minju habang mag isa si Wonyoung. Nag aalala ako pero kita ko naman na kaya na niya.Sa kala gitnaan ng pag iisip ko, nag silita ang pusa sa likod ko.
"Unnie, kalma ka nga. Malaki na si Wonyoung, mas matangkad pa nga sayo eh" ani ni Sakura dahilan para samaan ko siya ng tingin.

BINABASA MO ANG
Black Angel|| KangBi AU
Fiksi PenggemarKasalanan ko kung bakit bawal tayo, hindi ko sinasadya ang mga ito. Nais kong bumawi sayo, pero pano kung ayaw mo? -Hyewon KangBi Fantasy TAGLISH AU