Hyewon's POV
Pagpasok ko ay President na namin ang nakaupo sa upuan ni Eunbi. Nakipag palit siya, pero si Sakura nandito parin.
"Nakipag palit si Eunbi" ani ng President namin.
Tumango ako, hindi pa ako pwedeng sumuko.
"Kang-chan" sobrang hinang bulong ni Sakura.
Tinaas ko ang aking kilay.
Palihim niya akong inabutan ng naliit na papel.
Kang-chan, inamin mo kay Eunbi unnie na black angel ka? Galit na galit si Eunbi unnie sa totoo lang. Pero wag ka mag alala, alam ko mahal ka nun. Fighting!
Ayan ang sabi ni Sakura.
Nginitian ko siya at tumango, kahit anong mangyare hindi dapat ako basta basta sumuko.
TIME SKIP BREAK TIME
"Bitawan mo ako!" Laking gulat ko ng marinig ko ang boses ni Eunbi.
Tumakbo ako at nakita ko na may lalaking humihila sa kanya.
Hinawakan ko ang kwintas ko at bumulong.
"Stop.."
Tumigil ang oras, lumapit ako at tiningnan si Eunbi.
Oh how I wish this moment will last, but no.Hinila ko sa kwelyo ang lalaki at tinapon siya sa hagdan. Agad akong tumakbo palayo bago pa maubos ang time limit ko.
At maya maya pa ay nag simulang gumalaw ang lahat. Naramdaman ko ang panghihina sa katawan ko, umupo ako at sumandal sa pader.
"Hyewon unnie!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Wonyoung.
"Wonnie, nandyan lang si Eunbi. Mapapagalitan ka.." ani ko.
"Okay lang mapagalitan unnie, ang hindi okay yung itsura mo right now. Okay ka lang ba?" Tanong niya.
Tumango ako, medyo nahihirapan akong huminga dahil sa ginawa ko kanina. Pero wala akong pinag sisisihan.
"Teka tatawagan ko si Yujin" ani ni Wonyoung.
Bago pa malabas ni Wonyoung ang phone niya nakita ko na ang mga kapatid ko tumatakbo palapit sakin.
"Unnie, p*tang ina mag papakamatay ka ba?!" Pabulong na bulyaw ni Chaewon.
"Takte Kwangbae, sabi ni papa diba wag mo mashadong ganitin yan? Papatayin mo sarili mo eh!" Saway sakin ni Yena.
"Mga unnie? Anong nangayre kay Hyewon unnie?" Tanong ni Wonyoung habang yakap siya ni Yujin.
Hinalikan ni Yujin ang noo ni Wonyoung bago mag kwento.
"So yun pala yung rason?" Ramdam ang pangongonsensya sa boses ni Wonyoung.
"Okay lang kaya-"
"HINDI" sabay sabay na sabi nila.
Abay-
"Guys, kaya ko okay" ani ko at tumayo.
"Wala akong pinag sisisihan sa ginawa ko, sabi ko naman diba?" ani ko.
Sabay sabay silang nag face palm. Ngumisi ako at lumakad palayo, kailangan ko paring makausap si Eunbi.
Umakyat ako ng tahimik sa rooftop, madalas siya rito sa mga nakalipas na buwan.
"Bat sobrang sakit?"
"Nahulog ako ng sobra sayo Hyewon..."
Nasasaktan ako sa boses niya, halatang kanina pa siya umiiyak.
"Bakit kahit ipag tabuyan kita pinoprotektahan mo ko?"
Simple lang ang sagot sa mga tanong mo Eun, yun ay dahil mahal kita. Papasok na sana ako papasok ng rooftop ng biglang nay pumigil sakin.
"Wag muna, kailangan pa ni Eunbi unnie ng space" ani ni Sakura.
Huminga ako ng malalim at tumango, bumaba ako at bumalik sa classroom.
Nakita ko si Yena.
"Kumain ka na ba Kwangbae?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Bakit?"
"Wala akong gana.." sagot ko at umupo.
"Ano?!" Di nakapaniwalang bulyaw ni Yena.
(A/N:ANO?! SI HYEWON? WALANG GANA?!?)
"Hye-"
"Shut up and leave me alone Yena!" Iritang sigaw ko.
Matapos nun ay nanahimik na ulit siya.
Unknown's POV
"Ilang buwan pa ang natitira mahal na prinsesa, bakit nandito ka?" Tanong ko.
"Masama bang dumalaw sa lugar kong sinilangan?" Tanong niya.
"Hindi naman" ani ko.
"Kamusta siya?" Tanong ko.
"Hindi ko alam kung paano ko sasagutin yan" ani niya.
"Ang kasunduan, wag mong kalimutan" paalala ko.
"Hindi ako nakakalimot, handa ako sa kalalabasan kahit buhay ko pa ang katumbas" ani niya.
"Humahanga ako sayo" ani ko.
"Para sa kanya at sa katahimikan ng bayan, lahat kaya gagawin ko"ani niya.
"Lubha kang matapang mahal na prinsesa" ani ko bagi uminom ng alak.
"Hindi totoo yan" ani niya.
Kumuha siya ng baso at nag salin ng alak sa baso at ininom ito.
"Duwag ako" dagdag pa niya.
"Para sakin hindi" ani ko.
"Mauuna na ako" ani niya.
Umalis na siya, tinitigan ko siya hanggang sa mawala na siya sa aking paningin.
Magawa niya kaya?
Hindi ko nais na ituloy ang kasunduan, pero siya ang may isang salita. Kailangan ko itong tapatan.Kumuha ako ng alak at isinalin ito sa baso, ito'y aking ininom.
"Hindi ko inasahan na may isang salita ang isang gaya mo mahal na prinsesa, malaki ang iyong pag kakaiba sa iyong ama..."
Otor
Bahala na kayo mag isip jan, sumasakit din ulo ko sa sarili kong plot. HAHAHAAHHAAH
Sorry sa typo and mistakes.
Keep safe everyone!

BINABASA MO ANG
Black Angel|| KangBi AU
Fiksi PenggemarKasalanan ko kung bakit bawal tayo, hindi ko sinasadya ang mga ito. Nais kong bumawi sayo, pero pano kung ayaw mo? -Hyewon KangBi Fantasy TAGLISH AU