07

113 9 19
                                    

Eunbi's POV

Natataranta ako, anong susuotin ko?!

"Nandito na ako! Tutulong sayo!" Lumingon ako sa likod at pinang liitan ng mata ang maingay na pusa.

"Hehe alam kong nahihirapan ka sa susuotin mo Eunbi unnie" ani niya at ngumiti.

"Simplehan lang hah, baka mamaya bigyan mo ko ng gown" biro ko.

"Oh don't worry unnie, white long sleeve at pants lang" ani niya.
(A/N:IZ*ONE CHU season 3 na damit ni Eunbi)

"Sige ayos na yan" ani ko at nag bihis.

Okay lang kaya toh? Teka nga bat ba ako nagpapaganda? Gala toh hindi date jusme.

Naupo ako sa sofa at inaantay ang pag dating ni Hyewon.

"Eunbi unnie! Nandito na si—"

Sandalinf tumigil ang pag tibok ng puso ko ng kaba ngunit napalitan ito ng inis ng tinuloy ni Sakura ang sasabihin niya.

"Bong Revilla!" At biglang sumayaw ang gaga.

"Sakura" madiin ang pag tawag ko sa kanya na tumatawa parin.

Bigla akong napatingin sa tabi ko at nandito si Hitomi may dalang ceramic frying pan.

Tinuro niya ang direksyon ni Sakura gamit ang palad niya at tumango.

"My pleasure" ani ko.

Lumapit ako kay Sakura na nakahawak sa tyan niya habang tumatawa sabay hinampas ko sa kanya ang frying pan.

"ARAY!" Reklamo ng pusa.

Humagalpak sa tawa si Hitomi sabay biglang sulpot ni Wonyoung at Minju.

"Anyare?" Tanong ng dalawa.

Si Hitomi halos di na makahinga sa kakatawa at si Sakura nakahawak parin sa ulo niya.

"Ah hinampas ng fying pan ni Eunbi unnie si Sakura unnie" ani ni Wonyoung.

"Na binigay ni Hitomi ganun?" Tanong ni Minju.

"Parang ganun na nga" sagot ko.

"Eunbi unnie naman eh!"
Bulyaw ni Sakura.

"Kasalanan mo yan" ani ko.

"Kuhaan ko na ng yelo si Sakura unnie" presenta ni Minju at pumunta ng kusina.

Umupo ulit ako sa sofa at sumunod din si Sakura.

"Nagbibiro lang naman ako eh, bat mo ko hinampasin ng frying pan?" Tanong ni Sakura habang naka pout.

"Hindi nakakatuwa" ani ko.

"Unnie, pwede ko na ba kunin yung frying pan?" Tanong ni Hitomi.

"Ayy eto na oh" iniabot ko kay Hitomi ang frying pan at pumunta na siya ng kusina.

"Im home!" Dumating na si Yuri may malapad na ngiti sa labi niya.

"Nag kiss kayo ni Yena unnie noh?" Biglang tanong ni Wonyoung.

Halos lumuwa ang mata ni Yuri sa gulat at namula ang pisngi niya.

"Ayieeeee" panunudyo ni Minju na bagong dating galing kusina dala ang yelo para kay Sakura.

"H-hindi ah!" Pag tanggi ni Yuri.

"By the way Eunbi unnie date mo nag aantay sa labas" ani ni Yuri dahilan ng pag kagulat ko.

"Hah?! Una h-hindi toh date! Pangalawa bat hindi mo agad sinabi?!" Bulyaw ko.

"Ah hin-"

Binalingan ko ng masamang tingin si Sakura dahilan para hindi na niya matuloy ang mga sasabihin niya.

Black Angel|| KangBi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon