14

109 8 8
                                    

Hyewon's POV

Eto na, dumating na ang araw na inaantay ko. Nakapag ipon na ulit ako ng lakas ng loob para kausapin siya. Kahit sa huling pag kakataon manlang.

Tahimik akong nag lalakad sa hallway ng school, wala pa mashadong estudyante.

Maaga akong pumasok, gusto ko lasapin ang hangin sa school ng ganitong oras. Tumingin ako sa paligid, napangiti ako ng maalala ko ang mga ala ala na binuo namin dito.

Pasensya na kung bigo ako mahal ko.

Nag lakad ako papunta sa classroom. Wala pang tao, umupo ako sa upuan ko. At muli, tumingin sa paligid. Isang ngiti ang muling gumuhit sa aking labi.

Dito nag simula ang lahat, hindi ko inakalang ganito mag tatapos.
Ilang minuto ang lumipas, nag datingan na ang mga kaklase ko.

"Kwangbae! San ka ba nag sususuot hah? Hindi ka pa kumakain hah! Akala mo di ko napapansin? Kahapon ka pa!" Bulyaw ni Yena.

"P*nyeta ang ingay mo manahimik ka ngang pato ka" ani ko at hinila ang labi niya sabay bitaw.

"Aray! Inaano ka ba ng labi ko?!" Bulyaw niya.

Hindi ko na siya pinansin at umupo ng maayos.

Huminga ako ng malalim bago iniyuko ang ulo ko sa desk.

Eunbi's POV

Buwan,linggo, araw ang lumipas. Ganito nalang ba talaga kahihinatnan ng lahat?
Tsk, Eunbi tumigil ka nga!

Napalingon ako ng marinig ko ang pag sermon ni Yena kay Hyewon.
Hindi siya kumakain? Ano namang balak niya sa buhay niya?

Huminga ako ng malalim bago tanggalin ang paningin ko sa kanila.
Muli akong lumingon at kita kong nakayuko na si Hyewon sa desk niya. Inaamin ko, gusto ko siyang yakapin, halikan at tanungin kung ayos lang ba siya. Pero hindi ko magawa, hindi ko dapat pairalin ang nararamdaman ko. Hindi pwede.

"Eunbi unnie" napalingon ako ng tawagin ako ni Sakura.

"Ano yun?" Tanong ko.

Kita ang pag alala sa mukha ni Sakura.

"Alam kong pinipigilan mo lang ang sarili mo all this time Eunbi unnie" ani niya.

"Wag ka na mag matigas, pag bigyan mo na siya" dagdag pa niya.

Gusto ko, gustong gusto. Pero...

"Hindi pwede Sakura, alam mo yan" ani ko.

Huminga siya ng malalim bago tumango. Tinapik niya ang balikat ko at nag lakad na siya pabalik sa upuan niya.

Hyewon nag mamaka awa ako. Alagaan mo sarili mo, hindi ko kaya yung mga nakikita ko.

TIME SKIP UWIAN

Nandito ako sa rooftop ngayun, at muli basa nanaman ng luha ang pisngi ko. Walang araw na lumipas na hindi ako naiyak, sa bawat pag iwas ko kay Hyewon nasasaktan ako. Sa bawat galaw na ginagawa ko para itaboy siya sakin parin bumabalik yung sakit.

Pano ba maalis toh?

Hyewon's POV

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa rooftop.
Tahimik na lumapit at hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Agad kong niyakap si Eunbi.

"H-hyewon.?"

"Hyewon bitawan mo ko" pag pupumiglas niya.

"Last favor Eun, Atleast today. Ngayung araw, huli na toh. Hindi na ulit kita guguluhin. Just one last chance to hug you, kiss you. One last, please?" Pag mamaka awa ko.

Black Angel|| KangBi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon