18

118 8 6
                                    

2 YEARS LATER

Eunbi's POV

Pangalawang kaarawan na ni Hye-eun ngayun. Kay bilis ng panahon.

Hyewon sana kung nasan ka man, makita ko kami.

"P-papa."

"Eunbi unnie!" Napalingon ako ng sumigaw si Minju.

"May unang salita na si Hye-eun" Ani niya.

Lumapit ako at pinag masdan si Hye-eun.

"Sayang wala ang papa niya.." bulong ko sa hangin.

"Ambilis ng panahon, parang kailan lang kaka panganak lang sa kanya.." ani ni Chaewon.

"Kaya nga, ngayun may una na siyang salita..." ani ni Minju.

"Asan na ang ib-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mag kakapatid.

"Nasan yung iba?" Tanong ko.

"Nag aayos pa, mauna na daw kami" ani ni Yena.

Tumango ako.

"Dalhin na natin siya sa lugar ng selebrasyon?" Tanong ni Yena.

Tumango ako.

Nag simula ang selebrasyon at kita ko ang saya sa mata ng mga mata ko. Bawat ngiti niya ay naalala ko si Hyewon.

Kay sarap niyang pag masdan, binibigyan siya ng basbas at mga regalong mga kapatid ko. Ganun na din ng mga kapatid ni Hyewon.

"Eunbi unnie, ikaw na." Ani ni Wonyoung.

Lumapit ako at itinapat ang aking kamay kay Hye-eun.

"Dalangin ko na lumaki ka gaya ng iyong papa, matapang, matalino,mabuti at maaasahan." Bulong ko.

"Ngunit dalangin ko rin na ikaw ay maging maingat, at bukas ang isipan"

"Yun lamang aking mahal.."

Nag palakpakan ang mga tao sa paligid.

Ng maupo ako ay napansin ko ang isang black angel. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha, ewan ko kung bakit nito nakuha ang atensyon ko. Isinawalang bahala ko nalang ito at nag patuloy sa selebrasyon.

TIME SKIP

Someone's POV

Mabilis natapos ang araw.

"Aalis ka nanaman?!" Bulyaw ng kasama ko.

"Ano ka ba, ilang taon ko ng ginagawa toh hindi naman ako napahamak diba?" Ani ko.

"Hay nako, tigas ng ulo mo!" Bulyaw niya.

Tinawanan ko lang siya at ako nag simula na ako sa paglakad.

Dumating ako sa kwarto ng tagapag mana.

"Maligayang kaarawan mahal na tagapag mana" ani ko.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi at tumawa siya. Napangiti ako dahil dito.

"Dinalaw lang kita, pasensya na kung wala akong regalo hah. Wala akong maisip na ibigay sayo eh. Lahat naman ng bagay nasa iyo na" ani ko.

Ngumiti siya na tila ba masaya na basta makita lang niya ako. Nasiyahan na rin ako dito.

"Palagi kang nandito, tuwing gabi. Walang palya ang oras mo" napatngin ako kay prinsesa Sakura.

"Haha, ayoko mag tagal. Mashado mo ata ako maagang nahuli" ani ko.

Mahina kong hinalikan ang noo ng prinsesa.

"Masaya siya makita ka.." ani ni Prinsesa Sakura.

"Halata nga, mag papaalam na ako. Alagaan mo ang tagapag mana" ani ko.

"At wag mo na ring sabihin na nakita mo ko" dagdag ko pa.

"Palagi naman kitang nakikita, hindi ko naman pinag sabi" ani niya.

Bahagya ko itong ikinatawa.

"Bat ayaw mo mag pakita sa reyna?" Tanong niya.

"Saka na" ani ko at tumakbo palabas.

Sakura's POV

Kahit kailan naman talaga ang nilalang na yun, mashadong masikreto.

Lumapit ako kay Hye-eun, tuwang tuwa siya na nakita niya ang nilalang na iyon.

"Kay saya mo munting tagapag mana, wag ka mag alala. Pag dating ng takdang panahon. Hindi na kailangang gabi mo lang siya makikita" ani ko.

Yena's POV

Sa taong nakalipas hindi parin ako nakaka get over. Sigurado pati si Eunbi unnie rin. Nakaupo ako sa pangpang ng sky ocean, kung san pina anod si Hyewon.

"Kwangbae, wala ka man ng pisikal pero ramdam ko nakikinig ka.." bulong ko.

"Alam mo ba, ang unang salita ni Hye-eun ay 'papa', hinahanap ka ng anak mo Kwangbae..." bulong ko.

"Sayang at hindi mo na siya nasilayang lumaki..."

"Hanggang ngayun nahihirapan parin ako, pero shempre lalo na si Eunbi unnie."

"Hindi madali toh Kwangbae, gabayan mo kami..." ani ko.

Tumayo na ako at ambang mag lalakad na napansin ko ang isang black angel na nakangiti sakin.
Kumunot ang noo ko dahil dito, lumipad siya papatawid sa sky ocean.

Sino yun? At saan siya pupunta?
Nais ko saba siyang sundan kaso dumating si Yuri.

"Yena unnie, tara na." Ani ni Yuri.

Ngumiti ako at tumango.

Madalas kami mag tungo dito, lalo na pag namimiss ko si Kwangbae.

Eunbi's POV

Pumunta nanaman siya dito, sino ba kasi siya? Bakit hindi siya mag pakilala?

Tumingin ako sa balkonahe at pinag masdan ang buwan.

"Hyewon-ah, lumalaki na si Hye-eun.." bulong ko.

"Gustohin ko man na makita mo pero hindi na pwede..."

"Hyewon-ah, I still miss you.."

"I still love you."

"At kahit kailan hindi mag babago yun.."

"Kahit ilang panahon pa ang lumipas..."

Nagulat ako ng humangin at tila niyakap ako nito.

"Hyewon..." naluha ako ng maalala ko kung paano niya ako yakapin noong nabubuhay pa siya.

"Bantayan mo kami Hye, kahit hindi ka namin nakikita..."

Pinunasan ko ang luha ko at pinag masdan si Hye-eun.

Lumapit ako at hinaplos ang kanyang pisngi.

"Ikaw lang ang ala ala ng papa mo sakin, iingatan kita.." ani ko at hinalikan ano noo niya.

Hyewon-ah, hindi ko pababayaan si Hye-eun. Wag ka mag alala.

Otor

Oh kapatid aag umasa,masakit yan AHAHAHAHAHAH.

Anyways sorry sa mistakes at typo.

Keep safe everyone!

Black Angel|| KangBi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon