Eunbi's POV
Nagising ako at ramdam ko parin ang taong kayakap ko.
Hyewon...
"Good morning" nagulat ako ng bigla kong narinig ang boses niya kasabay ng pag mulat ng mga mata niya.
"Ginulat mo ko Hyewon!" Bulyaw ko at mahinang hinampas ang balikat niya.
Bahagya lang siyang natawa dahil dito.
"Okay ka na ba?" Tanong niya.
Ngumiti ako at tumango.
"Oki, tara mag ready na tayo. May pasok pa" ani niya.
Mag kasama kaming lumabas ng kwarto, pag labas namin ay agad kaming dumiretso ng kusina.
And guess what?
Sumalubong samin si Sakura na nakayakap sa likod ni Chaeyeon habang nag luluto ito.
"Ehem good morning" ani ko.
Agad na humiwalay si Sakura at gulat na tumingin samin.
"Kanina pa kayo jan unnie by the way happy bday" kabadong ani ni Sakura.
"Anong happy bday? Sinong may bday? May cake ba?"Sunod sunod na tanong ni Hyewon dahilan para matawa ako.
"Wala kinakabahan lang yan kaya happy bday nasabi" ani ko.
"Ngayun lang ako nainform na happy bday pala ang dapat pag bati tuwing umaga" dagdag ko pa.
Tumawa ng malakas si Chaeyeon at namumula naman ang pisngi ni Sakura.
"Ayan lovey dovey pa" ani ni Hyewon at nag lakad papunta sa ref.
"Kami pa talaga lovey dovey as if hindi kayo mag kayakap kagabi" ani ni Chaeyeon dahilan ng pag ka gulat ko.
Pano nila nalaman?!
"Gulat ka noh? Sa tide— I mean, gulat ka noh alam namin" ani ni Sakura at tumawa.
(A/N:Hindi tayo sponsored HAHAHA)"Atleast nasa kwarto kami"ani ni Hyewon.
Ramdam kong uminit ang pisngi ko, t*ngna parang ewan.
"Wow, sige sabi mo eh" ani ni Chaeyeon.
Natapos ng mag luto si Chaeyeon at kumain na kami.
"Pag ka kain Sakura uuwi na tayo" ani ko.
"Aw, can we—"
"No" agad na sagot ko.
"Unnie naman!" Bulyaw ni Sakura.
"Gusto mo dito ka na, wag ka na umuwi" ani ko.
"Okay"
Abay confident.
"Kalimutan mo na rin na kapatid mo ko" ani ko.
"Lah! Unnie naman!" Bulyaw ni Sakura.
"Pwede kayong mag date" ani ko.
"Weh?!" Sabay na tanong nila ni Chaeyeon.
"Oh bat? Ayaw niyo?" Tanong ko.
"Thank you Eunbi unnie!" Masayang bulyaw ng dalawa.
Oh so may something nga? Sila na kaya? Hindi maganda toh.
"By the way Eunbi unnie, bat di kayo sumama samin. Kayong dalawa ni Hyewon unnie" ani ni Chaeyeon.
"Gagawa pa kami project" ani ko.
"Next time nalang" ani ni Hyewon na kinagulat ko.
Friendly date lang naman, wag oa Eunbi.
"Oh sige, kapag kayo na" ani ni Sakura.
BINABASA MO ANG
Black Angel|| KangBi AU
FanficKasalanan ko kung bakit bawal tayo, hindi ko sinasadya ang mga ito. Nais kong bumawi sayo, pero pano kung ayaw mo? -Hyewon KangBi Fantasy TAGLISH AU