16

122 8 5
                                        

(A/N: Gulat ka noh? Sa tide— okay wag niyo kong pansinin. Yung mga readers ko na matagal na magugulat malamang HAHAHA. Sige na basahin niyo na)
































BAGO MAMATAY SI HYEWON

Hyewon's POV

"Sigurado ka na ba?" Tanong ng hari ng white angels.

"Basta matutupad lahat ng ninanais kong mangyare. Sigurado na ako, mamamatay ako ng masaya. At walang pinag sisisihan" ani ko.

"Karapatdapat kang mag mana ng trono, bakit mo sasayangin ang buhay mo mahal na prinsesa?" Tanong niya.

"Walang sayang, mag sasakripisyo ako para sa bayan at mga kapatid ko. Marami nang inosenteng nadamay. Tama na" ani ko.

Tinanggal ko ang kwintas ko at ibinato ito papunta sa hari.

"Durugin mo, yan lang ang makakapatay sakin" ani ko.

"Alam mo na hindi itong madaling madurog mahal na prinsesa"

"Kwintas na ako'y pinapangalagaan, handa na akong mamatay. Mag padurog ka sa hari, sundin mo ang aking utos"

Ipinikit ko ang mga mata ko.

Ilang saglit ako'y napasigaw.

"Aggghhhhh!" Tila ba pinupunit ako sa dalawa.

Naramdaman ko ang panghihina at napaluhod ako sa sahig.

"I love you Kwon Eunbi..." huling mga salitang lumabas sa aking bibig. Ako'y ngumiti sa huling pag kakataon, bago tuluyang mawala ang lahat.

TIME SKIP A FEW WEEKS LATER AFTER HYEWON's DEATH

Sakura's POV

Ilang linggo na ang nakalipas, nakoronahan na si Eunbi unnie at naging isa na ang dalawang grupo ng mga anghel. Pero, ni minsan ay hindi na uli namin nakitang ngumiti si Eunbi unnie.

"Saku-chan" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Chaeyeon

"May problema ba?" Tanong niya.

Umiling ako.

"Bakit parang malungkot ka?" Tanong niya.

"Ilang linggo ng wala si Kang-chan, nasan ang bangkay niya?" Tanong ko.

Napakunot ng noo si Chaeyeon sa tanong ko.

"Ang alam ko, ipapaanod toh sa sky ocean ngayung linggo" ani ni Chaeyeon.

Tumango ako.

Akala ko itatago ni Eunbi unnie habang buhay eh.

"Ilang linggo ng hindi ngumiti si Eunbi unnie" ani ni Chaeyeon.

"Akala ko ako lang ang nakapansin" ani ko.

"Malake ang epekto sa kanya, nilalaan lang niya ang atensyon niya sa pamumuno sa bayan" ani ko.

"Kaya nga, tara na."

Tumango ako at nag lakad kami.

"Mahal na prinsesa Sakura! Pinapatawag po kayong lahat ng mga babaylan sa kwarto ng reyna" ani ng kawal.

"Lahat?" Tanong ko.

Tumango ito.

"Baka papunta na rin sila, tara na" ani ni Chaeyeon.

Agad kaming dumating sa kwarto ni Eunbi unnie. Maya maya ay dumating na rin ang iba, pinaka huli si Yena at Yuri.

"Anong nangyare sa reyna?" Tanong ni Yena.

Black Angel|| KangBi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon