Eunbi's POV
Isa nanamang panibagong araw—
"T*ngn naman oh" rinig kong mura ni Yena sa likuran.
Tiningnan ko siya at may black eye siya.
"Napano ka Yena?" Tanong ko.
"Kasi—"
Nilingon siya ni Hyewon at natikom naman bigla ang bibig niya.
"Kawawa ka namang pato ka, text ko si Yuri sabihin ko bilhan ka ng yelo mamayang break time" ani ni Sakura.
"Salamat Kurra"
Tiningnan ko si Hyewon, halatang siya may gawa ng black eye ni Yena.
Siguro sa pang bibitin samin kah— teka nga, hindi naman yun yon eh!
Assuming ka Eunbi."Wala parin ba si prof?" Tanong ni Sakura.
"Wala pa" sagot ko.
"Tara cutting" aya ni Yena.
Si Sakura ngiting ngiti kala mo walang bukas.
At pinag pumpog ko silang dalawa.
"Mag cutting kayo itatakwil namin kayo" babala ko.
Tawang tawa naman yung katabi ko.
"Aray!" Sabay na reklamo nila.
"Yawa nakakatakot talaga tong dalawang toh" ani ni Yena.
"Agree"
"Ayan kasi, cutting pa. Mag aral nga kayo" ani ni Hyewon at bahagyang natawa.
"Nag aaral naman kami ah!" Bulyaw ni Sakura.
"Ikaw lang hindi si Yena"
"Lah?!" Bulyaw ng pato.
Tinawanan lang siya ni Hyewon.
Hindi ko maiwasang tingnan si Hyewon, ang cute niya pag natawa. Maganda parin siya kahit pag tikom ang bibig niya at poker face.
"Eunbi unnie baka matunaw" rinig kong bulong ni Sakura at sinamaan ko siya ng tingin.
"Y-yung ice cream..hehe"
"San yung ice cream? May ice cream?" Sunod sunod na tanong ni Hyewon.
Natawa kaming tatlo dahil dito.
"Mamaya Hye, sa cafeteria" ani ko.
"Oh, kala ko naman meron. Gutom na ako eh" reklamo niya.
"T*ngna ang dami mong kinain kanina pag katapos gutom ka parin?!" Di makapaniwalang tanong ni Yena.
"Oo"
"Ewan ko sayo Kwangbae, nakaka iyak ka" ani ni Yena bago umarte na akala mo umiiyak.
"Pasensya na, kasalanan ko bang palagi akong gutom?" Tanong niya.
"Oo" sabay na sagot ni Sakura at Yena.
Nailing nalang ako dahil dito.
"Eun"
Lumingon ako kay Hyewon.
"Pw-"
"Aba aba aba, may nickname na" biglang singit ni Yena.
"Teka" ani ni Hyewon.
Hinila niya si Yena gamit ang collar.
"May pag uusapan lang kami" paalam ni Hyewon.
"H-hoy.! Teka muna sandali Kwangbae,pwede naman nating pag usapan ng maayos eh.!" Pag mama kaawa ni Yena.
"Eunbi unnie! Kurra unnie! Tulong!"

BINABASA MO ANG
Black Angel|| KangBi AU
FanfictionKasalanan ko kung bakit bawal tayo, hindi ko sinasadya ang mga ito. Nais kong bumawi sayo, pero pano kung ayaw mo? -Hyewon KangBi Fantasy TAGLISH AU