10

100 7 7
                                    

A FEW MONTHS LATER

Eunbi's POV

"Hon" tawag sakin ni Hyewon.

"Ano yun hon?" Tanong ko.

Nandito kami sa kwarto niya, magkayakap.

"I love you, I really do" ani niya.

"I love you too Hon"

Lumapit siya at unti unting inangkin ang labi ko. Mabagal lang ang paggalaw ng aming mga labi.
Matapos ng ilang sandali ay humiwalay kami sa halik.

"Mahal na mahal kita, palagi mong tatandaan yan" ani niya.

Ngumiti ako at tumango.

"Ako rin, mahal na mahal kita"

Malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya.

"Hyewon unnie?"

Napatingin kami sa pintuan at nakita namin si Yujin.

"Bakit Yujin?" Tanong ni Hyewon.

"Gusto ko na pong hingin ang kamay ni Wonyoung pwede na po ba?" Tanong ni Yujin.

Tumingin sakin si Hyewon.

Ngumiti ako at tumango.

"Talaga po?!" Gulat na tanong ni Yujin.

"Yep"

"Thank you Eunbi unnie!"

Agad na tumakbo palabas si Yujin.

"Lumalaki na sila" bulong ni Hyewon sa tainga ko.

"Yep"

Kami na ni Hyewon, sinagot ko na siya. Dalawang buwan na kami, pero alam ko na marami parin siyang tinatago sakin.

A FEW WEEKS LATER

Eunbi's POV

Hyewon ask me to meet her, kinakabahan ako. Pakiramdam ko this scene is really familiar.

"Hon" agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. It's Hyewon.

"I love you"

Out of nowhere.
Is she breaking up with me?

Nasa bundok kami ngayun, kung saan siya umamin.

"I love you too hon" ani ko at niyakap siya.

"Wag ka magalit sa sasabihin ko please.."

Agad akong humiwalay sa pag kakayakap at tinignan siya.

At halos nawala ang lahat ng kulay sa pag mumukha ko sa sunod kong nakita. Lumabas ang itim na pakpak sa likod ni Hyewon.

"Hyewon.."

"B-black angel ka.?"

Tumango siya.

Hindi ko naramdaman na bumagsak ang luha sa mga mata ko.

She lied..

All this time...

Tinago niya sakin....

"Eunbi please makinig ka muna" ani niya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Hyewon, sabi ko sayo simula palang diba? Sabi ko sayo hindi tayo pwede" ani ko.

Inilabas ko ang pakpak ko nag papakita na isa akong white angel.

"Hyewon white angel ako, lalong komplikado ang lahat.."

Nakatingin ako sa kanya, tila ba hindi siya nagulat.

"We need to stop everything about us Hyewon.."

Black Angel|| KangBi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon