5 years later
Eunbi's POV
Normal na araw sa kaharian na pimumunuan ko.
"Mama!" Napangiti ako ng makita ko si Hye-eun masayang tumakbo palapit sakin.
"May ginagawa ka po ba?" Tanong niya.
"Wala anak, bakit?" Tanong ko.
Ibinuka niya ang dalawang braso niya, humihingi siya ng yakap. Agad ko siyang binuhat at niyakap.
"Kamusta ang pag aaral hah?" Tanong ko.
"Maayos po, marami akong natutunan" masayang bulalas niya.
"Eunbi unnie jusko po" napalingon ako kay Yujin at Sakura.
"Bakit?" Tanong ko.
"Mas matalino pa samin si Hye-eun pag dating sa math!" Bulyaw ni Yujin.
"Manang mana kay Hyewon unnie" dagdag pa niya.
Bahagya akong natawa dahil dito.
Umupo si Yujin sa lapag at nakasandal naman si Sakura sa pader.
"Lugi ata kayo sa anak namin ni Hye" ani ko.
"Oo" sabay na sagot nila.
"Talino ko talaga" ani ni Hye-eun at napangiti ako dito. Manang mana talaga siya kay Hyewon.
"Eunbi unnie" napalingon ako ng makita ko si Yena.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Pwede ba kami mag laro ni Hye-eun?" Tanong niya.
"Gustuhin ko man po, pero ayoko parin" ani ni Hye-eun.
Natawa ako dahil dito, naalala ko nanaman si Hyewon.
"Manang mana ka sa papa mo" ani ni Yena at ngumiti.
"Ahn Yujin!" Napalingon kami ng makita namin si Wonyoung.
"Bakit love?" Tanong ni Yujin.
"Bat nakaupo ka sa sahig?" Tanong niya.
"Ang sakit sa ulo ng math Wonnie, pakiramdam ko wala na akong utak" reklamo ni Yujin.
"Sabi ko naman kasi ako na mag tuturo kay Hye-eun eh, ayaw niyo pa" ani ni Wonyoung.
"Hindi na ata siya kailangan turuan,magaling na mashado" ani ni Sakura.
"Sino nag turo sayo hah?" Tanong ko.
"Sarili ko po" ani ni Hye-eun.
"Ang talino mo talaga, kiss nga" ani ko.
Hinalikan niya ako sa pisngi bago ngumiti.
"Sige na Hye-eun, mag pahinga kana. Paniguradong pagod ka" aki ko.
"Sige po" ani niya.
Ibinaba ko si Hye-eun at nag lakad na siya papunta sa kwarto niya.
Hye-eun's POV
Masaya akong pumasok sa silid ko at kinandado ang pinto.
"Hye-eun-ah!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at napangiti ako.
"Papa!" Mahinang sigaw ko.
Agad akong lumapit sa kanya, binuhat niya ako kasabay ng pag kayap namin sa isa't isa.
"Kamusta? Sumakit ba ulo ni Yujin sayo?" Tanong niya.
"Opo haha, pa alam mo ba. Lahat ng tinuro mo sakin naituro nila kanina. Ayun po nag mukha akong matalino" ani ko.
"Matalino ka naman talaga eh, handa ka na ba ulit mag aral?" Tanong niya.
Agad akong tumango.
"Tara simulan na natin"
Someone's POV
Kita ko na tulog na ang tagapag mana. Mahina kong hinalikan ang noo niya.
"Yah, ilang taon na. Anong balak mo?" Napatingin ako kay Prinsesa Sakura.
"Sikreto" ani ko at natawa.
"Kilala ka ni Hye-eun huh?" Ani niya.
Tumango ako.
"Mag papa alam na ako" ani ko.
Tumango siya.
Agad na akong tumakbo paalis.
Nakarating na ako sa aking tahanan ngunit bigla kong napansin na may naiwan ako.
"P*nyeta" mura ko at dali daling bumalik sa palasyo ng mga anghel.
Pag dating ko sa kwarto ng tagapag mana ay nandito na ang reyna. Magkatabi sila at mahimbing na natutulog.
Kinuha ko ang gamit ko at sandaling lumingon sa mag ina.
Lumapit ako at mahinang hinalikan ang noo ng tagapag mana. Nilingon ko ang reyna, hinaplos ko ang kanyang mukha bago halikan ang kanyang noo.Lumakad ako palabas ngunit bigla akong natigilan.
"Sino ka?" Tanong ng reyna.
Eunbi's POV
Nagising ako dahil may naramdaman akong presensya ng isang nilalang.
Laking gulat ko ng halikan niya ako sa noo. Isang nilalang lang ang naalala ko sa mga oras na iyon.Palabas na siya at bigla ko siyang tinawag.
"Sino ka?" Tanong ko.
Hindi niya ako nilingon, at hindi rin siya gumalaw.
Nabalot ng katahimikan ang lahat, lumingon siya. Nakatakip ang kalahati ng mukha niya at mata lang niya ang kita.
Imposible...
Naramdaman kong ngumiti siya, matapos nun ay tumakbo na siya paalis.
Hindi ko na proseso ang nakita ko, nananaginip lang ba ako?
Otor
Sino yung "Papa" na tinawag ni Hye-eun? Bakit ayaw niya mag pakita kay Eunbi?
Abangan, HAHAAHAHHA
Sorry sa mistakes at typos!

BINABASA MO ANG
Black Angel|| KangBi AU
Fiksi PenggemarKasalanan ko kung bakit bawal tayo, hindi ko sinasadya ang mga ito. Nais kong bumawi sayo, pero pano kung ayaw mo? -Hyewon KangBi Fantasy TAGLISH AU