13

104 8 3
                                        

Yena's POV

Bakit ko naisip makinig sa usapan ng mag kapatid? Dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko kay Hyewon.
Hindi na toh yung Hyewon na nag palaki samin, yung Hyewon na kilala ko.

Pumasok ako ng kwarto ni Hyewon at tiningnan siya. Naka ilang soju na ba siya? Lahat ata ng flavor nainom niya eh. Nakahiga siya ngayun, kapansin pansin ang basang basa niyang pisngi.

"Yena.." tawag niya sakin.

Lumapit ako at umupo sa higaan niya.

Hinaplos ko ang buhok ng kapatid ko.

"Kamusta siya?" Tanong niya.

Hindi basta basta umiiyak si Hyewon, si Eunbi unnie lang ang nakapag paiyak sa kanya ng ganito.

"Gaya mo umiiyak rin" hindi na ako mag sisinungaling.

"Kailangan ko siya makausap Yena, may ipapaliwanag ako" ani niya.

"Wag ngayun Hyewon, una lasing ka. Pangalawa sabi niy—"

"Na hindi na siya makikinig sa kahit anong salitang manggagaling sa bibig nating mga black angels tama ba?" Tanong ni Hyewon.

"Oo.."

"Yena anong gagawin ko?" Tanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Hyewon, mas mabuti siguro kung ayusin mo muna sarili mo."

"Hindi ka nag iisa, nandito lang ako. Nandito lang kami, kaya mo yan" ani ko.

"Salamat.."

A FEW DAYS LATER

Akala ko ba aayusin na niya buhay niya? P*nyeta naman oh.

"Hyewon san ka pupunta?" Tanong ko.

"Mag iisip isip" ani niya.

"Sigurado ka hindi ka pupunta kay Eunbi unnie?" Tanong ko.

Umiling ito.

Lumipad na siya palayo, san naman siya pupunta sa kalagitnaan ng gabi?

"Pst Yena unnie!" Napalingon ako sa direksyon na tumawag sakin at nakita ko si Yuri.

"Oh Yul? Bakit? Anong nangyare?" Tanong ko.

Lumipad palapit si Yuri at lumapag sa harap ko bago ako yakapin.
Hindi ko napigil ang ngiti sa labi ko, I miss her.

"Kamusta si Hyewon unnie?" Tanong ni Yuri.

"Eto, hindi ko na alam gagawin" ani ko at umupo sa upuan.

"Si Eunbi unnie ba?" Tanong ko.

"Hindi niya pinapakita samin, pero alam naming lahat na nalulungkot siya. Hindi na rin namin alam ang gagawin eh" ani niya.

"Mahirap ang sitwasyon nila, dalawa silang panganay. Dalawa silang tagapag mana. Napaka komplikado talaga" ani ko.

"Wala tayong magagawa unnie, ang magagawa lang natin ay damayan sila" ani ni Yuri.

"Tama, by the way Yul. Hindi ka ba papagalitan ni Eunbi unnie?" Tanong ko.

"Palihim kong pinaparinig kay Eunbi unnie ang kundisyon ni Hyewon unnie, alam niya na siguro yon" ani niya at bahagyang natawa.

"Sabagay,o siya sige na. Kahit gusto kong nag stay ka pa ng matagal hindi pwede, umuwi ka na. Mag pahinga ka na" ani ko bago tumayo at yakapin siya.

"I love you Yul.."

"Love you too Yen..."

Pag hiwalay namin sa yakap ay hinalikan ko ang kanyang noo.

"Mag ingat ka" ani ko.

Black Angel|| KangBi AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon