Third person's POV
Paganda dito. Bihis doon. Iyon ang peg ni Ice buong hapon. Hindi naman sa halatang excited ito sa mangyayari in a while, ay excited nga lang talaga ito.
Pakanta-kanta ito habang namimili ng dress na susuotin niya. Parang tanga na nga ito pati sa pagpili ng gagamiting accessories, eh alam lang niya na hindi sila lalabas ng Kuya Tristan at Ate Ingrid niya.
"Eto nalang ngang peach dress!" She said to herself. Tamang tama lang ang pag-aayos niya dahil by 7pm ay darating na ang mga bisita nila. Napagdesisyunan kasi ng magbabarkada na sa bahay ni Tristan nalang mag-Noche Buena. Tutal, malalayo sila sa imediate families nila; except sa magkapatid.
Gaya ng inaasahan, ay dumating na ang mga bisita nila. Naunang dumating sina Karol at Kevin. Sumunod naman si Jared at na-late ng kaunti sina Ash at Denise.
"Ta mo, pati si Denise, nahawahan na ng pagka-filipino time nitong si Ashton." Sabi ni Kevin habang nasa sala sila nina Jared at Tristan. As usual, sina Ingrid at Ice ang nag-aasikaso ng food nila samntalang naki-jamming na rin sa kanila si Karol.
"Tamad talaga nung mga lalaking yun, nako." Reklamo ni Karol na nagtitimpla ng four seasons. Hinihiwa naman ni Ingrid yung ham at si Ice ay inaasikaso yung mga Cupcakes at Cheesecake na binke niya, of course, for her one and only Oppa.
"Sinabi mo pa. Pati yang kapatid nitong Ice. Nako, ganyan ba talaga sila katamad?" Segunda ni Ingrid.
"Ay, mabuti nalang at mahal natin sila, kundi, nasabunutan na natin yung mga yun." Karol
"Hahaha. Kayo talaga, christmas naman ngayon. Hayaan niyo na." Sabi ni Ice, pero hindi ito nakatingin sa kanila. Tila aliw na aliw ito sa pag-lagay ng icing sa velvet cupcakes niya.
"Aba, good mood ang isa dito. Porke't andyan yung Oppa gangnam style niya." Tumawa naman si Ingrid sa sinabi ni Karol.
Nagulat naman si Ice at nag-shhh. "Marinig nga kayo ni Oppa diyan. Eehh." Pabulong nitong sabi sa dalawa.
"Hi, Girls!" Bati sa kanila nitong si Denise. "Nako, kararating ko lang. Pwede bang tumulong?"
Ngumiti at nag-hi naman sila kay Denise. "Tamang-tama, magpreprepare na kami ng table. Dalhin mo nalang to beb." Inabot ni Karol yung mga placemats at mga plato.
Maya-maya ay napansin na ng mga lalaki na nagprepare ang mga babae kaya tumayo sila para tumulong.
"Salamat at naisipang tumulong." Sabi ni Karol nang kinuha sa kanya ni Kev yung hawak niyang kare-kare. Nag-smile at kiniss siya nito sa cheeks. "Eh sorry na, napasarap kwentuhan namin nung mga itlog na yun."
Tinutulungan naman ni Jared si Ice sa pagbuhat ng cake tray at napansin nito ang cheesecake sa mesa. "Uy, andito pala yung favorite ko." Napa-smile nanaman sa kilig si Ice. Wattayaekspek?
"Tara, almost 10 pm na. Let's eat?" Yaya ni Ate Ingrid kaya naupo na din sila lahat. Sa magkabilang kabisera naman si Kevin at Tristan, at nasa right side nila parehas ang mga kaloveteam nila. Sa dako ni Karol nakaupo si Jared at Ice at sa dako naman ni Ingrid sina Denise at Ash.
Tuwang tuwa man sila dahil sa mga pinagkukwentuhan nila, pero mukhang malungkot si Ice. Namiss niya kasi bigla ang parents niya. Ito na ang pangatlong taon na hindi nila kasalo ang mom at dad nila. Kahit na tatlong taon nadin ang nakakaraan ay parang ganun pa rin ang nararamdaman niya-- malungkot.
BINABASA MO ANG
I love you, Oppa.
RomanceEver since the world began, ay mahal na ni Ice ang bestfriend ng Kuya niya na si Jared ngunit hindi siya magustuhan ng binata dahil sa 'age-gap' nila. Halos gawin niya na ang lahat para mapansin siya nito. mapapansin na kaya siya ni Jared? o forever...