I love you, Oppa. - 25.

1.7K 20 3
                                    

Chapter 25

Ice's POV

Pagkatapos nung dare na yun. Fuck, ang sakit sa puso.

"Dare! Punyeta!" Sakin naturo yung bote. "Oh, ano na dare ko?" Si Manong kasi yung magbibigay ng dare sakin.

"Osige. Kiss mo nga yung katabi mo. For five seconds!"

"Hoy Romualdez, kapatid ko yan ah!" Si kuya kung maka-angal! Aish.

"Shut up kuya. Ikikiss ko tong gwapong to. Ahihihi." Tapos tinuro ko si Noah na katabi ko. "Hoy Noah. Ikikiss kita ah. Lol"

Tapos ayun, kiniss ko nga si Noah. Ayos lang yun sa kanya. Besfriends naman kami at di kami talo! "Woooooh it's getting hot in here!" Sigaw naman ni Manong. Wooooh umiinit nga.

Pagkatapos nung wild kiss, ay uminom pa ako. Party haaaaaaard!

***

Noah's POV

"Woooooooh partyyyyy!" Grabe! Ako nalang siguro ang pinakamatino dito. Ay joke lang. Si Jared pa pala.

Inalalayan na nung girls yung kanya kanyang loveteam nila. Kami na rin ni Jared yung nagdala kay Ate Gracie sa kwarto niya kasi ang bigat. Iniwan muna namin saglit si Ice na plakda na. Hahaha. Hindi naman ‘yun mawawala sa shore e.

Katawa tong si Ice. Aarte arte, mas marami pa nainom sakin. Kasi kanina tatlong bucket lang, tapos dumagdag pa. With tequilla pa yan mga dre! Tapos yung hard liquor pa yung tinira nung bestfriend kong smexy.

Pero, don't get me wrong. Kahit gaano pa ka-hot yang si Ice, ginagalang ko yan. At never kong itatake advantage ang situation niya. Tsaka, mahal ko yan no.

As bestfriend, ulul. Di kami niyan talo no! Kawawa nga siya kanina, na-hurt yun nung hindi siya yung hinalikan ni Jared. Kaya, pinagbigyan ko nalang siya kanina na ikiss ako. Hahaha. Katawa rin tong Jared na to. Sama makatingin sakin.

Tinulungan niya ako na kargahin si Ice. "Sige, ako nalang magdadala kay Ice sa cabin nila." Pagprisinta ko. Tutal, malapit rin naman yun sa cabin ko.

"Ako na. You're drunk. Baka matumba pa kayo." Pagod na rin ako pero konting pang-inis lang guys. Pagbigyan niyo na ang tulad kong gwapo. *winks*

"Seryoso, ako nalang. Haha. Baka maka-bonus pa ako dito kay chicks." Susko po. Ginagalang ko talaga si Ice ha! Pramis! Ginugoodtime ko lang tong Jared na to.

At ayun, lumaki yung mata niya tapos biglang inagaw sakin si Ice. Hahahaha. Effective.

"Ulol. Di pwede." Medyo tipsy na rin ito kaya may kabagalan na magsalita.

"Eh single naman si Ice. Psh. Damot mo, asawa ka ba?"

Eh di natigilan magsalita. Hahahahaha. "Uwi na. You jerk. Ako na bahala sa kanya." Nagsmirk naman ako sa kanya. "Sayang. Gusto ko pa naman dagdagan yung kiss niya sakin."

"Joke lang pre. Hahahaha di ka mabiro." Para niya akong patayin sa tingin eh! Bata pa ako no!

Hahaha. At least, mission accomplished. ;)

"Wait, saan mo ako dadalhin?" Sino ba tong kasama mo?

"Hoy,pangit. Sino ka ha?" Di nagsasalita?

"Hoy. Kilala mo ba si Jared Marasigan? Tangina mahal ko yun." 

Mahal na mahal.

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon