I love you, Oppa. - 18.

1.7K 22 3
                                    

Cliff hanger?! Jejeje. :”>

Chapter 18

Si Arthur.

Yung overly-attached EX boyfriend ko.

“Hi Babe.” Hahalik sana ito sa pisngi ko ng pinigilan ko siya gamit yung palad ko. Kadiri! May laway pa!

Gwapo naman talaga ‘tong si Arthur, kaya lang, may pagka-psycho. Hahaha. Ewan ko ba’t naging boyfriend ko ‘tong ugok na ‘to. Siya nakipaghiwalay tapos ngayon, parang walang nangyaring break-up sa kanya. Labo niya! Ano ba yan.

“Babe mo mukha mo! Layuan mo nga ako. Tapos na tayo!”

“No we’re not. Gumaganda ka ngayon, Babe. Tara, let’s date.”

“Che! I-date mo yang nunal mo.” Sabay turo ko sa nunal niya sa tenga niya. Nakaiirita!

Pinipilit niya akong sumama sa kanya. Halos pinagtitinginan na kami nung mga tao, pero walang pumipigil sa kanya.

Nang... “Anong gnagawa mo sa girlfriend ko ha?” Sabi nung lalaki na nagpabitaw kay Arthur sa pagkakahawak sa braso ko. Jared?

“Kuya Jared? Boyfriend?” Kilala niya kasi si Jared, since schoolmate namin siya.

“Hon, ayos ka lang?” Tanong niya sakin, pero kitang kita ko sa mata niya yung sumakay nalang ako sa pauso niya. Aba, kahit forever na okay lang! Hahaha.

“Oo, ayos lang ako.” Ngmiti siya tapos hinarap niya si Arthur. “Oo, girlfriend ko ‘tong hinaharass mo. Problema mo ha?” Naging authorative ang boses niya. Scary naman.

“Psh. Ako maniwala? Eh, hindi pa nga kami break!” Napa- Oh naman yung mga tao doon sa resto. Jared smirked. “Newsflash, dude: MATAGAL NA KAYONG WALA.  At saang pansitan ka ba nakatulog, ha?” Hahawakan sana ako ni Art ng biglang hinarangan siya ni Jard. “Kulit mo, ipapapulis kita diyan.”

“At bakit? Hahaha. Hindi ako naniniwala na kayo ni Ice.” Sabi nito. Mukhang na-challenge naman si Jared at lumapit kay Art. Face-to-face? Ansabeh!

“Gusto mong patunayan ko para mapahiya ka?” He smirked again. This time, I meddled. “Tama na Oppa. Art, umalis ka na.”

“Not until he proves that you’re in a relationship with him.” Proud na sabi ni Art. Aish! Sakit talaga siya sa bangs! Imbyerna!

“Tama na—“ Napatigil ako ng biglang hinalikan ako ni Jared, hindi sa lips, hindi rin sa cheeks kundi sa...

Malapit sa lips. Basta doon! At hindi pa nakuntento si Jared. “Hello, may I have your attention please?” Sigaw niya sa loob ng resto. “I’m Jared Marasigan, and gusto kong sabihin sainyo, na etong babaeng katabi ko, na hinaharass ng lalaking to.” Sabay turo niya kay Art. “...ay girlfriend ko.” Napa-aww naman yung mga tao. Inakbayan niya ako tapos hinalikan sa buhok. “Syempre, hindi ko hahayaang masaktan ng kung sinu-sino yung babaeng mahal ko. Oh, Mr. Arthur I can’t remember the surname, layuan mo ang girlfriend ko, o makakatikim ka ng lucky punch na ginawa ni JuanMa kay Pacquiao.” Nagtawanan naman yung mga tao doon, kahit ako.

Syempre, dahil napahiya si Art ay lumabas ito, “Hindi pa tayo tapos, Ice! I’ll get you back!”

“Che! Mas malala ka pa kay Nathan ng Walang hanggan!” Sigaw ko sa kanya. Napangiti ako sa sinabi ko. Ewan ko ba. Alam kong korny kaya, takbuhan na! xD

Tapos, biglang bumitaw si Jared sa pagkakaakbay sakin. :< Nalungkot ba? :<

Pero, wag ka!

Hinawakan niya yung kamay ko. >////////////< (candy yan. Hahahaha. Yay takbuhan na!)

“Busog na ‘ko, Hon. Tara?” Sabi niya sakin na nakangiti. Napatango nalang ako, tapos nag-yiee naman yung mga tao doon sa loob.

Pagkalabas naman namin, ay ako na yung bumitaw sa breath-taking, awe-inspiring, jaw-droppng, makalaglagg-panty naming holding hands. “Thank you, Kuya Jared. Hindi mo na sana ginawa yun.”

“Eh di hindi ka tinigilan nun. Sus. Hayaan mo na.”Sabi niya.

“Grabe, ang dami ko ng utang sayo.” Sabi ko, tapos narinig ko siyang nag-murmur. “Ano, Oppa?”

Napangiti siya sakin. “Lagi mo na akong tawagin niyan. Hahaha.” Ano raw?

“Ano?”

“Sab ko, tara, ihatid na kita pauwi.” Tapos naglakad nalang kami.

Labo niya noh?

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon