I love you, Oppa. - 6.

1.8K 29 3
                                    

Medyo mahaba itong chapter. Well, this is my favorite, so far.

***

CHAPTER 6:

Graduation Day

“Hay, College na rin ang baby sister ko. Payakap nga si Kuya!” Hindi na napigilan ni Kuya Tristan yung maiyak. Grabe, pati tuloy ako naiiyak habang niyayakap niya ako. Hayyy.

“Tristan naman eh! Wag mo namang paiyakin si Ice! Masisisra yung master piece ko.” Natawa nalang kami ni Kuya sa reaksyon ni Ate Ingrid na make-up artist ko ngayon.

“Group hug nga!” At nagyakapan kaming tatlo. Hay, I am so blessed to have them in my life, kahit wala na ang mommy at Daddy.

Pagkatapos nun ay nagpicture taking kaming tatlo. Syempre, may picture kami ni Kuya, tapos kaming dalawa ni Ate Ingrid at sa Insta nalang yung picture naming tatlo. Oho! Kami na vain. Hahaha.

***

“Let us welcome, Miss Ice Margareth C. Alvarez, our class salutatorian.” At nagpalakpakan naman ang lahat na nasa gymnasium namin ngayon. Woooh. This is it! This is really is it is it!

Wag kayo ha! Kahit ganito ako ka emotinally-distracted kay Papa Jared, hindi ko pa rin nakakaligtaan ang Acads ko. Syempre ito na ang regalo ko kay Kuya sa pag-papaaral niya sakin. At pati na rin sa Mommy at Daddy ko, at least, ipagmamalaki nila ako sa mga kaibigan nila sa heaven.

“Ako po yung klase ng tao na hindi mo mapagkakailang Salutatorian. Tanong niyo pa po sa mga kabatch ko. Hahaha.” At nagtawanan naman sila.

“Pero, saksi rin sila sa pag-titiyaga ko na makamit ang posisyon na ito. Mahrap mang i-maintain ang grade lalo na kung sari-saring problema, gaya ng pagkawala ng mga magulang ko. Pero, naniniwala ako na we should never be afraid to trust an unknown future to a known God.” At ngumiti ako sa kanila.

Ipinagpatuloy ko pa yung speech ko.”Ni minsan ay hindi ko naramdaman na nagkulang ako sa pagmamahal. Sa pagmamahal na ibinigay ng aking mahal na kapatid ng buong-buo, at sa mga matatalik niyang kaibigan, na naging mga kapatid ko na rin. Kung wala sila, ay wala rin siguro ako sa lugar na ito... Sa lagay na ito. Sila ang itinuturing kong ‘personal heroes’. Kuya Tristan...” Hinanap ng mata ko si Kuya, at nang nakita ko na siya ay sumaludo ako sa kanya. Ngitingngiti pa si Kuya oh. :”>

“Saludo ako sa yo. Para saiyo at kina Mommy at Daddy itong parangal na ito. At sa mga kaibigan ko at mga kuya-kuyahan at Ate-atehan ko na walang sawang umalalay at sumuporta sa akin, maraming salamat po.sa mga guro ko na walang sawang magpangaral—este, magbigay aral sa akin at sa mga kamag-aral ko, utang namin sainyo ang mga kaalamang natutunan namin. At sa mga words of wisdom niyo. Hahaha.”

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon