I love you, Oppa. - 19.

1.7K 21 2
                                    

Ito po ang resulta ng di ko pagpasok sa school dahil sa lagnat. Ewan ko ba. Hindi ako masaya kapag di ako nakakapagupdate. Haha. Pasensya na sa short UD. Well, lagi namang maiikli ang UD ko haha.

Idededicate ko sayo, dahil alam na. =))

•••••••••••••••••••

Chapter 19

"Okay na ba?" Tanong niya nung pinatikim niya sakin yung icing na ginawa niya para doon sa cupcakes na ginawa namin kanina.

Hindi pa rin ako makatingin sa kanya ng mayos dahil sa kahihiyan ko kaninang umaga. Nakita niya kasi na may bloodstain ako sa pajama. Tapos nakita niya pa yung itsura ko kanina. Huhuhu lamunin mo ko oh lupa!

"Wag mo na kasi alahanin yung kanina. Wala naman kasi yun. Haha.para ma ng ewan diyan." Ehhhhh, kung ako ang nakita nun,siguradong matuturn-off ako sa sarili ko. Ajuju.

"Eh kahit na. Huhu." Hindi na ito umimik at napatawa nalang. Ayan! Naloko na! Huhu.

Kinuha na niya yung nakasalang na cupcakes at inilagay doon sa counter pala malagyan ng icing. Hinango ko naman sa oven yung ginawa kong cheesecake para sa kanya.

Sana magustuhan niya yung chesecake na hinanda ko. "Oppa, tikman mo sandali." Nag slice ako sa cake tapos sinubo ko sa kanya. Ang gwapo niya kumain. Omm nomm nomm.

"How was it?"

"Nahiya yung icing na ginawa ko sa sarap nito e." Napatawa naman ako. "Tikman mo rin oh."

"Teka, kukuha ako ng fork." Pero hinawaan niya yung wrist ko tapos pinaharap sa kanya. "Say ahhhhhhh." Tapos sinubo niya yung cake gamit yung tinidor niya. Shit. Indirect kissing amp.

Ang sarap nga nung gawa ko. Ha. "Oo nga." Galing ko talaga!

"Pahingi pa ako." Parang bata itong sumubo ulit. Haha. "Para sayo yan. Prize kasi ang galing mo gumawa ng icing. Haha!"

"Favorite ko nga to eh." Sabi niya pa.

"Ah! Oo. Si Ash pala yung chocolate mousse. Yung ingredients sana nun yung mabibili ko kanina e." Sorry ha. Minsan, medyo pumaplya utak ng lolaa niyo. Lol.

"Tulungan mo naman ako dito please." Di niya ata narinig yung sinabi ko. Psh. Dibale.

Isa isa naming nilagyan yung cupcakes. Himala at napagawa siya nito. "Para kanino ba 'to, Oppa?" Tanong ko sa kanya.

"Ah. Para kay Zarina ko." ZARINA? KO?!

"Magkikita kasi kami mamaya. I wanted to surprise her with these." Napangiti pa ito habang nagsasalita.

Sino ba kasi yang Zarina na 'yan?! Chicks niya nanaman?! Ajujuju

Dapat ko siyang makilala, agad-agad!

"Can I go with you?"

***

After ilang minutes ng pag-drive ay nakarating na kami sa isang...orphanage?

"Anong gagawin natin dito, Oppa?" Tanong ko habang pinapark niya yung kotse. 1:30 pm na ng nakarating kami dito. "You will know later." Kating-kati na talaga akong malaman kung sino yung Zarina na yun! Nako! Siguraduhin niyang maganda siya kung ayaw niyang mapahiya.

Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami nung madre. "Hi Sr. Edlive, nandyan ba si Zen?" Si Zarina suguro ang tinutukoy niya.

"Ah,kanina pa kayo hinihintay ni Zen. Nagpaganda talaga siya ng husto ngayon." Sabi naman ni Sister. Ang ganda ganda niya. Maputi at makinis ang mukha. Tapos brown ang mga mata niya. "Andun siya sa garden."

"Salamat, sister." Tapos naglakad ng dirediretso si Jared, kaya sumunod lang ako.

Pagkarating namin sa garden ay tinawag niya si Zarina whoever she is.

Icealvarez.tumblr.com

Galing kami ni Oppa sa isang orphanage para bisitahin si Zen. Alam niyo yung nakakaguilty? Napagsalitaan ko tuloy ng masama si Baby Zen! :(( Di ko naman kasi akalain na isa palang 4-year old na super cute toddler? Huhuhu ganito ba ang nagagawa ng selos? LOL.

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon