I love you, Oppa. - 7.

1.7K 24 3
                                    

Mugtong-mugto ang mata ko. Ang sakit. Grabe, ang dami kong iniyak simula kagabi. At nagising ako sa ingay na nasa sala. Isang pamilyar na ingay. Andyan siya.

“Ice, gising na raw sabi ni Tristan. Kumain ka na raw.” Sabi ni Ate Els na kumatok s apinto ko.

“Opo. Bababa na.” Ayoko talagang bumaba. Ayoko siyang makita.

Galit ako. Sa sarili ko. At naiinis ako. Sa kanya. Ewan. Ang gulo-gulo. Pero, I felt relieved. Nailabas ko na rin yung gusto kong sabihin sa kanya.

Binagalan ko ang paggalaw-galaw ko at nag-shower muna. Nagsuot lang ako ng simpleng pambahay at bumaba na. Para saan pa ang pagpapaganda sa taong mahal mo, kung hindi niya naman napapansin diba? Hindi ako didiretso sa sala. Hindi ako didiretso sa sala. Hindi ako didi—

Anak ng pucha naman oh. Kahit dumiretso ako sa sala, ay hindi ko sila makikita doon. Haynako. At talagang sa dining area ko pa sila nakita. Lahat sila napatingin sakin, kahit si Jared. Inalis ko agad ang tingin ko sa kanya.

“Good Morning, young Lady. You owe me an explanation.” Pambungad ni Kuya sa akin. Almusal agad ng reprimands, Tsk.

“Kuya, I am tired. Pwede mamaya nalang po siguro.” Sabi ko sa kanya. Dumiretso ako sa kabilang dulo ng mesa at kumuha ng tinapay at cornflakes. Sa sala nalang siguro ako kakain.

“Anong meron at para kang pinagsukluban ng langit at lupa ah, Tukmol?” Isa pa ‘tong kuya Kevin na ‘to! Nakakapikon.

“Tama na Kuya Kevin! OO HINDI AKO OKAY, OKAY NA BA SAINYO MGA KUYA? Nakakapikon kayong lahat!” Binalik ko yung hawak kong mga pagkain at umalis agad sa dining. Tangina! Naaalibadbaran ako!

***

AUTHOR’S POV

Natigilan ang apat sa pag-uusap nila. Pati na rin si Ate Els na naghahanda lang ng pagkain sa mesa.

“Ano bang nangyare dun sa kapatid mo? Nasobrahan ko ata.” Sabi ni Kevin na nagkakamot sa ulo. Medyo naguilty ito dahil sa ginawa niya.

“Ikaw kasi.” Paninisi sa kanya ni Ash.

“Sorry na nga! Eh sa mukhang depressed at dami ng pagkaing kinuha.” Saad nito.

“Papagalitan ko sana yun eh. Umuwi ng mag-isa kagabi. Hindi man lamang nagpaalam.” Inis na sabi ni Tristan. Bigla-bigla kasi itong umalis sa party at halos mapagod sa kakahanap sina tristan dito.

“Teka, kakausapin ko lang iyon.” Tumayo si Ash sa kinauupuan niya at pupunta ng sala ng magtanong si Tristan.

“Alam mo ba kung anong nangyari dun, Jared? Diba kausap mo yun kagabi?” Napatingin si Ash kay Jared na napayuko ng bahagya. Guilty, may ginawa nga si Jared doon.

“Kinausap ko lang siya tapos, hindi na bumalik. Ewan ko eh.” Sinungaling, Ash thought to himself.

Dumiretso ito sa sala at naabutan niya si Ice na nakayakap sa dalawang tuhod nito habnag nanonood ng Adventure time.

Sa kabilang dako naman ay nagtanong si Kevin. “Wow, ang close ni Ash ng nung kapatid mo. Bahala ka, Tristan, baka magkagustuhan yung dalawa.” Sabay nun ay medyo nabilaukan si Jared, kaya inabutan naman ni Tristan ito ng tubig. “Dahan dahan pre.”

Bumalik si Tristan sa tanong ni Kev. “Wala akong tiwala diyan kay Ash. Palikero yang kumag na yan eh. At ang bata pa ng kapatid ko para sa boyfriend na yan. At alam ko namang nagako kayo sa’kin, diba?” Parang nakahinga ng malalim itong si Jared. Tama yung desisyon ko. Tama ka, Jared.

Icealvarez.tumblr.com

Taken ka nga, for granted naman. -.-

Sorry, walang matinong mailagay ngayon. Via twitter muna ang peg ko. Salamat po. T.T

-Ice.

Pagkasarado ko ng tumblr app sa iphone ay saktong may tumabi sakin sa kinauupuan ko at nagtanong. “Gusto mong lumabas saglit?” Gusto kong makahinga. Kaya, tumango ako sa alok niya.

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon