I love you, Oppa. - 4.

1.9K 27 3
                                    

CHAPTER 4:

Pagkatapos namin ni Ash na mag-bake ay pumunta na kami sa sala. Kahit na, lagi akong tinatanong ni Ash kung magiging okay lang ako, tango lang ako ng tango sa kanya. Magiging okay lang naman ako diba?

Shit, ewan ko. The fact na nakikita ko silang naglalambingan kahit hindi pa sila, THE FACT! THE FACT TALAGA! Nak ng tokwa, Nakakainis naman!

“Guys! Nag-bake ng cookies si Partner!” Partner na ang tawagan namin dahil nga partners in crime na kami ngayon! Si Boy pauso kasi to eh.

“Kuha kayo oh.” May mga icing ang cookies ko, which makes it so special. Isa-isa silang kumuha ng cookies. Pati si Gracie. Psh. Sayang nga at hindi ko nalagyan ng lason yung kinuha niyang cookies. Joke! Sabi ni Mommy, be kind to animals even if they bite. Sus, babait-baitan, masama naman ugali. Kasi naman, akala ko mabait talaga siya, pero joke lang pala! Lagi niya akong iniinis kapag kami-kami lang na dalawa, o kapag kasama niya ang friends niya. Hindi niya deserve ang Jared ko.

Hahaha. Jared ko talaga, noh? Haaaaay.

“Pwede na.” Comment ni Kevin.

“Pwede na? Eh halatang sarap na sarap ka eh. May isa ka pa ngang hawak oh!” pang-aasar naman ni Partner.

“Ang sarap, Ice! Pag-bake mo rin ako ha?” Sabi ni Ate Karol. Waaaah! Oo naman noh! Ang bait bait kaya niya, at ang ganda niya! Siya kaya ang isa ko pang bestfriend bukod kay Jaja. Kaso, hindi ko pa nasasabi sa kanya na may feelings ako para kay Oppa. Hihi.

“Oo naman, Ate Ganda!”

“Ako?” Kuya Kevin

“Asa ka.” Tipid kong sabi. Hahaha. Iniinis ko lang naman si Kuya Kev. Hahaha. Buti nalang at sinubuan siya ni Ate Karol bago pa makapagsalita.

“Kamusta, Oppa?” Tanong ko sa kanya about dun sa cookies.

“Mmm. Answdefffap naegrgsgm ngthrgbto!” Huh?

“Punung puno kasi yung bibig eh! Hahahaha!” Ang cute talaga ni Jared! May icing pa sa gilid ng lip. Kukuha sana ako ng napkin para ipangpunas pero, naunahan na ako ni Gracie. “Eto oh, may icing ka sa lip. Cute mo talaga.” Tapos nag-yiee sila.

Eh di ikaw na ang magaling. Sus. Pasikat much eh.

“Oh, kalma lang.” Binulungan ako ni Kuya Ash.

“Ang sarap nung cookies, Ice. Ako rin ah? Ipag-bake mo.” Nawala yung inis ko nung sinabi niya iyon. Nako! Kahit buong buhay ko ipagbake kita, okay lang! Mahalin mo lang ako. Napaingin naman ako doon sa Gracie at medyo nakasimangot ito. Hahaha. In your face!

“Syempre, kanino pa ba yan magmamana, eh kay Mommy lang no.” Compliment ni Kuya.

“Kaya nga, Partner ko ‘to eh!” At inakbayan ko naman si Ash! Ewan ko, bigla-bigla nalang close na kami agad! :D

Tapos, biglang nabilaukan si Jared! Oh noes! Naparami yung kain niya. Tatayo sana ako para kumha ng tubig ng tumayo rin si Gracie.

“Ako na.” Sabay naming sabi. Napatingin silang lahat samin. Then, she smirked.

“Ako nalang, ako naman ang nililigawan eh.” Pauso talaga ‘tong babaeng to! Nakakapikon. Eh di siya! Susko!

-.-

Buti nalang at okay na si Oppa. Pero, nakakainis lang, dikit ng dikit ‘tong si DIS-Grasya. Ugh. Talagang nananadya eh. Nag-usap usap rin sila ng kaunti tapos umakyat nalang ako ulit sa kwarto ni Ash. Makapag-laptop na nga lang.

Bakit ganun? Ang ironic ng buhay, noh? Kung sino pa yung mahal mo, ayaw niya sayo. At iba ang gusto niya. Nakakainis! Pero, in a way eh naiinggit ako sa babaeng iyon, kasi siya ang mahal ni Oppa. Mahal nga ako ni Jared, pero hanggang little sister lang.

Ano ‘to, Family-zoned?!

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon