I love you, Oppa. - 35.

1.7K 21 1
                                    

Chapter 35

Wala muna akong kinausap sa kanila except kay Ate Karol, na room mate ko. Binilhan niya ako ng gamot tapos Mogu-mogu na strawberry-favorite ko.

"Feeling better?" Umupo ito sa kama niya paharap sakin. Dalawa kasi ang kama sa loob at hinihiwalay ng bedside table.

"Yep. Thank you sa Mogu-mogu." I smiled at her.

"Grabe. Gulat na gulat kami nina Kuya mo. Lalo na nung dumugo yung ilong mo. Ayun, guilty naman si Jared tapos Kevin. Bakit ba parang inis na inis ka na kanina?"

Sabihin ko na kaya kay Ate K? "You can tell me anything if you like."

Sinabi ko na yung rason. Siguro nga, nagseselos ako. Naiinis ako kasi, boyfriend ko si Jared pero tago nga. Nagulat siya, pero, natuwa din. "Hindi ko akalaing may tinatagong HD sayo si Jared. Hahaha." Natawa na rin ako.

"Pero, sising sisi na siya kanina. Siya nga yung bumili ng gamot mo e. Nako, ginalit mo ata kanina." Alam kong ang irrational ko kanina, at pinairal ko nanaman ang inis ko. Kaya nga, medyo naguiguilty din ako.

"Nainis lang ako, Ate. Siya kasi, ang insensitive niya." Nilagyan ko ng bad-aid yung maliit na cut sa nose bridge ko. Tapos chineck ko sarili ko sa mirror; astig, parang bad ass ang peg ko. “Nahihirapan din naman yun si Jared, Beb. Syempre, eh sa S.O kayo diba?” Napabuntong-hinga nalang ako.

"Nahihirapan din yun kapag nirereto siya ng lantaran ni Keben at Tan. Mga gago yun. Masabihan nga-"

"Ate, wag. Mas okay lang siguro kung wag na munang sabihin tong kng anong meron kami ni Jared. Lalo na kay Kuya." Na-gets niya iyon. Yung ang gusto ko kay Ate Karol.

Tumango ito. "Tara na, punta na tayo sa labas. Kanina ka pa hinihintay ni Jared sa labas. Kanina pa pingmumura yung sarili sa sobrang guilt." Kawawa naman si Jared. Kausapin ko na kaya yun.

"Tara." Yaya ko.

Lumabas na kami ng kwarto tapos pumunta sa sala. Pero, parang nawala yung gana ko na makipagusap sa kanya.

"Oh Icey baby? Ayos ka na?" Tanong ni Ash sakin, dahilan para mapatingin si Jared at Anna na lakas makatawa at maghampasan habang nagkukwentuhan.

"Yeah. Nahihirapan lang ako kapag napapa-sneeze. Nagkasipon kasi ako kanina." sabi ko.

"Maglalakad-lakad muna ako, Kuya." Sabi ko.

"Wag na, baka mapano ka." Kuya

"Hindi naman ako mapapano. Ang init kasi dito. Please?"

"Sige na, be back for dinner ah." Tumango ako at lumabas. Gusto ko muna mapag-isa. 5pm pa lang naman. Naglakad lakad lang ako sa sea shore tapos namulot ng mga shells. Ang ganda ng dagat, nakakainlove.

Umupo lang ako paharap sa dagat. Medyo malayo ako sa villa. Konti lang yung andito. May mga nagsuswimmuing, naglalaro, having their time of their lives.

Naisip ko nanaman ‘yung nangyari kanina. Grabe, ganito pala kahirap itago yung inis at selos mo sa lahat. Yung halos patayin mo na sa isip mo ‘yung pinagseselosan mo, at yung nakikijoin din sa harutan yung mahal mo. Darn! It makes me sick.

"Pwede ko ba kausapin yung girlfriend ko?" Napatingin ako sa nagsalita. Umupo ito sa tabi ko, at nakinood ng sunset. Hindi lang ako umimik.

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon