I love you, Oppa. - 37.5

1.7K 19 1
                                    

A/N: Waaaah sinasabi ko sainyo, hindi ako shrek! Hindi pa! WAHAHAHAHAHAHA. VOTE COMMENT! Malapit na po pala ito matapos. Ang cool nga eh, hindi ko naman ito masyadong sineseryoso pero nataopos ko rin yung story. Yes yes! *u* Pero nirerevise ko pa po yung last two chapters. ;)

Chapter 37.5

Pumunta kami sa isang local restaurant para i-meet sina tita mia at tito gab. Medyo casual lang naman ang peg namin. Pagpasok namin doon ay may kinawayan si Jared. Tanaw ko yung couple na nasa left part ng resto. Parehas ito maputi, at chinito. Medyo moreno nga lang si Jared dahil sa kakabilad niya. Hahahaha. De, photographer kasi siya kaya kahit saan napapasabak.

"Hi, Mom. Hi, Dad." Tapos nagkiss siya sa mom niya at man hug sa dad niya.

"Hello Tita! Hello Tito!" Bati ko. Tumayo si Tita at niyakap ako.

"It's been so long since we saw you, Ice. Kaya naman pala in love na in love si Jared sayo e. Ang ganda ganda mo." Ngumiti siya. Hehehe. I love you, tita!

"Mabuti naman at nagpropose ka na kay Ice, Red. Hahaha." Sabi ni Tito Gab.

"Daddy naman e." Asar na sabi ni Jared. Hahaha.

Umupo na kami at mag lunch. Dami naming pinagusapan, from love story namin ni Jared, kay Kuya at kung san-san pa.

"Alam mo ba, Ice. Seloso tong daddy Gab mo e. Parang si Jared." Mom. Naks, nakiki-mom na rin ako.

"Mi naman, nangbubuko pa ohhh. Ikaw rin nga e." Daddy Gab

"Pero, kahit mukhang tuod pa tong si Gabriel eh, di ko to ipagpapalit. Hahaha." Tapos nagkatitigan sila. Ang sweet naman. "Tuod talaga ha?"

"Sana ganyan din kami ni Jared." I smiled at the thought na magiging sweet pa rin kami kahit ilang taon pa kaming kasal.

"Oo naman. It takes a lot of trust, love and patience sa isa't-isa. At syempre, ang friendship. Yung ang importante." Mommy Mia

"Kaya Jared, aalagaan mo ang magiging asawa mo. At yung magiging mga anak niyo."

"Yes dad. Eh ngayon palang na fiancée ko palang siya, alaga na to sakin e." Jared. Inakbayan niya naman ako at tinitigan. Gwapo talaga. :">

"Hayyy, naiimagine ko na yung mga magiging apo natin. Little Jared at little Ice. Ang cucute!" Nabilaukan kaming dalawa ni Jared.

"Hun naman, wag nating madaliin yung mga bata. Hahaha eh nag eenjoy pa yan sa isa't isa e." Sabi ni dad. *gulp*

"Mas maigi gawin yun kapag kasal na kayo. Pero, kung di niyo na talaga mapigilan, eh okay lang naman. Hehe. Excited na akong magka apo, Gabriel." HALA NA! BAKIT PARANG NAMUMULA ATA AKO?!

*

(A/N: medyo mabilis ang pacing ng kwento ko, kasi...ganun talaga. Kung gusto niyo ng mabagal bagal, read Love-stuck. Hehehe isa ko pang story yun. :p)

9 months.

Hindi ako buntis a. Nako po.

Nine months na kami ni Jared. At syempre, hindi naman maiiwasan na hindi kami magkaroon ng simpleng tampuhan, kagaya ngayon.

Hindi ko siya kinakausap. Kasi ba naman, nagluto ako ng dinner nung gabi at nagsabi siya na uuwi siya ng maaga. Sabihin niyo nga sakin, maaga pa ba ang 1 AM? Well, maaga para sa bagong araw. Tsk. Ni hindi man lamang nagpaalam sakin. Tapos, nakalimutan niya pa na may date kami ngayon! Ayon! Lumabas ng bahay at hindi ako ni greet.

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon