Hola tinola! Sorry po kung di naka-UD kahapon. Busy na po kasi ako. Ajuju
Dedicated sayo! Dahil nag-pm ka! :)
*
Chapter 28
"Sir, eto na po yung mga designs. And with the exhibits, I am working on it po." Tapos inabot ko sa kanya yung portfolio ko. Napangiti naman ito. He's pleased. Thank God.
"I like this. Basta, iprepare mo na yung rtws na iexhibit mo dahil in three days, exhibit day na. Do well, Ice. Good luck!" He tapped me on the shoulder.
"Thanks, Sir."
"Sige. Ikaw Mr. Anlueco, how's your design?" Tapos pumunta naman siya doon sa kabilang station.
Hay salamat. Unti unti ng naayos yung mga pinagpaguran ko. Aish. Kulang pa nga ako sa tulog. Buti nalang at wala akong shift sa Coffee shop. Makapagpahinga nga muna sa bahay.
Pagkauwi ko ay may bagahe sa sala. Hala. Kanino yun? Asan yung mga tao dito? Aish. Matutulog na muna ako. What a life.
Bigla akong nagising sa ingay mula sa baba. Huh? Naiwan ko palang nakakawang ang pinto ko. Nag-inat ako ng kaunti at sinuklay ang buhok. Wow. 7:30 pm na pala. Sarap ng tulog ko ahhh.
Sino kaya yung tao sa baba? Baka kliyente ni Kuya. Oh well, nagugutom na rin ako. Om nom nom. Hmmm. Naamoy ko ang bagoong sa baba! Yess. May Kare-kare!
Pagkarating ko sa Dining ay tinawag ako ni Kuya. Oh fuck, this can't be.
"Nakakita ka ng multo diyan sa mukhang yan?
Eh, si Oppa mo lang naman 'to oh. Hindi mo ba namiss?"
Pwede magmura ulit? Eh puta paano ko mamimiss ang hayop na yan. Tumango lang ako at dumiretso sa kusina para maghugas ng kamay. Timing, dinner na kasi.
Umupo ako sa kabilang dulo ng table. Wala, trip ko. "Oh, bakit dyan ka umupo?" Kuya
"Miss ko na umupo dito e. Angal?" Inirapan lang ako ni Kuya.
"Napasama ata gising mo ah?" Tanong ni Ate Ingrid na natatawa.
"As in. Nanaginip daw ako na may kasama akong DEMON. Aish. Sakit sa ulo. Grabe." Take note of the emphasized word, uh. Kasi two seats away lang ang asshole na yun.
Pero, ni hindi nga ako makatingin ng diretso sa kanya. And I can feel na ganun din siya. Kapal niyang pumunta dito. Aish.
Habang kumakain kami ay naalala ko yung maleta sa sala kanina. Wala na yun nung pagdaan ko sa sala. "Kuya para saan yung maleta kanina? Alis ka?" Tapos, sumubo ako nung laing na gawa ni Manang. Hay, laing + kare-kare = Euphoria dude.
"About that... Kay Jared yun. He'll be staying with us for weeks here."
"Ahh-ANO?!" halos mabuga ko yung kinakain ko sa sobrang gulat. Napakunot ng noo si Kuya at Ate. Haaay, bakit ba ang awkward?!
"May problema ba?" Kuya
"La. Nagulat lang ako. Hehe. Bakit dito magsstay si KUYA?" I laughed awkwardly, pero matalim na nakatingin kay Jared. Kain lang ito ng kain. Favorite niya din kasi yung Laing. Gaya gaya =_=
"Under renovation yung condo niya. More or less 3 weeks siya dito. " Kuya
Isang buwaaaaaaan?! Holy Moly guacamole! Ang tagal!!!!!
BINABASA MO ANG
I love you, Oppa.
RomanceEver since the world began, ay mahal na ni Ice ang bestfriend ng Kuya niya na si Jared ngunit hindi siya magustuhan ng binata dahil sa 'age-gap' nila. Halos gawin niya na ang lahat para mapansin siya nito. mapapansin na kaya siya ni Jared? o forever...