I love you, Oppa. - 27.

1.6K 15 2
                                    

Noah's POV

Nasasaktan ako para sa bestfriend ko. Sa sobrang dami ng problema niya, hindi niya na alam kung paanl niya ihahandle. Ni ayaw niyang ipasabi sa kuya niya ang mga yun, dahil ayaw niyang mag-alala ito.  

Napaka-selfless niya talaga.

At sa Jared na yun, naiinis ako sa kanya. Gusto ko na nga siyang suntukin at sirain ang gago face niya. Pero, hindi. Ayaw kong mag-away kami ni Lovey. At kahit papano, may respeto pa naman na natitira para sa taong yun.

Sa lahat ng ayaw ko ay yung makikitang malungkot at dalawang babaeng tinuturing kong importante sakin: Si Jaja at Ice. Mga bata palang kami, kami na ni Miko ang tagapagtanggol ng mga iyaking iyan. Si Jaja kay Miko, at sakin naman, si Ice. Kahit nawala ako ng ilang taon, at hindi nagparamdam sa kanila, ay hindi bumawas ang pagmamahal ko sa mga yon. Aish. Nagiging bading nanaman ako sa emosyon ko.

Seeing her like this- her messy hair na parang sinabunutan ng tatlong bading, yung mugto niyang mata na parang kinagat ng ipis, plus yung tissue na nakakalat sa kama niya, yung luha na natuyo sa cheeks niya, at yung emotionally drained niyang isip. God, it pains me so much. Kung pwede lang akuin ko na lahat ng sakit na nararamdaman niya, ginawa ko na. I wish I could be the one who could make her happy, better than the way her Oppa can, pero hindi enough yun.

At hindi enough ang pagmamahal ko sa kanya bilang bestfriend. Minsan, iniimagine ko kung nainlove nga ako dito, darn. Mapapaiyak ko din siguro to. Sa sobrang babaero ko, ewan ko nalang. And mabuti nalang hanggang crush lang yung naramdaman ko para sa kanya. Hindi na dumagdag pa ang feelings na yon. Mabuti na nga. Dahil ayoko siyang magaya sa mga babaeng pinaiyak ko. Never.

Ito na ang pangalawang beses na binantayan ko siyang matulog. Una, noong araw na nireject siya ni Jared. At ngayon, five days since that incident happened, hindi ko na siya iniwan. Ni hindi niya kinakausap si Kuya Tristan or kung sino man sa kanila. Gusto niyang mapag-isa, pero hindi niya naman kaya, so she ends up calling me or sina Jaja.

Lumabas ako sa kwarto niya saglit para magbihis. Dito na muna ako pinastay for the night ni Kuya Tan. Naabutan ko siya kasama yung asawa niya habang nanonood ng TV. Pagkatapos kong magbihis ay umupo ako sa kabilang sofa.

"Kamusta ni si Ice?" Kuya Tristan.

"Ayun, she cried herself to sleep. Mainam na yun para mabawasan yung sama ng loob niya."

"Kawawa naman si Ice. Ganun niya talaga dinamdam yung application sa DVC. " Ate Ingrid.

Iyon lamang ang alam nilang dahilan. Hindi ko naman masabi na nireject siya ng first love niya, in public. That stupid bastard.

"Magiging okay din siya, Hun." They held hands. Napabuntong hininga nalang ako.

"Salamat, Noah. Lagi kang andyan para sa kapatid ko." I smiled at them.

"Matatanggihan ko ba yung kupal na yun? Dami ng atraso ko dun e."

"Hay. Bakit kaya hanggang ngayon, takang taka pa rin ako kung bakit hindi pa kayo naiinlove sa isa't-isa." They've always wanted Ice for me. At natatawa nalang kami sa reaksyon nila sa sweet moments namin.

"Hindi kami talo. Hahaha. And, ayokong umiyak lang si Ice dahil sa mga kagaguhan ko. I respect her too much." He tapped my shoulder and ngumiti. "Kupal talaga kayong dalawa." We all chuckled.

****

Ash’s POV

"Pare, di daw makakapunta si Red. Inaayos niya yung sa resto niya e." Kevin.

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon