Chapter 37
Monthsary namin ngayon. Pero, simpleng batian, ayos na samin. Di kasi big deal yun. I mean, hindi lang kami nagcecelebrate. Dyan kasi madalas magsimula ang mga away sa magkasintahan. At isang beses, parehas naming nakalimutan yung second monthsary namin, kaya nagdecide kami na wag na. Hahahaha.
At dahil nga dun, magkatabi kami natutulog, pero HANGGANG DUN LANG. Ganun kasi ang rule. Kapag monthsary lang namin siya pwedeng tumabi sakin. Pero nga, hanggang tulog lang! Tss. Hahahaha. Miss niya na daw kama niya. Pero, kung makayakap sakin, wagas. Humarap ako sa kanya at hinalikan siya ng mabilis. Hindi ko nga alam kung yung kama ba ang namimiss o ako.
"I love you, Hon." Medyo napamulat ito ng kaunti at ngumiti. "I love you too, Hun. Happy Monthsary."
"Happy Monthsary din. Wait gawa lang ako breakfast ah?" Babangon sana ako pero, pinigilan niya ako. "Pwede naman na dito nalang." He winked. Ano ba yaaaaan. Pauso. :">
"Hoy, mister. Pauso mo ha." Tapos bumangon na ako.
"Eh dito nalang ako magbbreakfast e." Ulit niya.
“Sige, dadalhan kita. Teka lang.” Pero pinahiga niya pa rin ako at inipit sa bisig niya. Hansabeh, bisig!
“Pwede namang ibang breakfast nalang.” Tapos kiniliti niya ako. Yung totoo! Hahaha.
"Che! Halay mo kahit kailan!" Pinitik ko siya sa noo at bumangon na ako. “Grabe, Ice. Grabe.” Natawa nalang akong lumabas ng kwarto niya.
***
Third Person’s POV
Hindi napigilan ni Jared ang mapalunok ng laway. Tumambad kasi sakanya ang fianceé niya na naka-nighties na maikli. With all the messy long dark brown hair, medyo slender but not too skinny na katawan, at mapuputing legs nito, darn. Hindi niya gaanong napansin ang suot nito nung gabi dahil nakakumot na ito.
Shit, ganito ba talaga kasexy ang fianceé ko? He thought to himself. Again, he gulped. Lalo kasing gumanda ang girlfriend niya. At, ngayong magkasama sila sa isang bahay, masyadong tinitest talaga siya!
Naalala niya nanaman yung conversation nila with Kevin, Ash and Karol. It keep bugging his mind for the past few hours.
Ugh, di pa pwede! Sabi niya sa sarili niya. Hindi pa pwede dahil hindi pa sila mag-asawa. Pero sa modernong panahon, kahit magfiancé palang or bago sa relationship ay ginagawa na iyon. Pero, hindi pwede.
Kaso, talagang sinusubok siya ng isang malaking temptation minsan --yung babaeng nasa harap niya ngayon. Nagpasipol-sipol nalang ito habang dinidistract ang sarili.
Normal na ito. Syempre, may pagka-marupok din naman ang mga lalaki pagdating sa mga ganyan. Kaya lang sa kaso ni Jared, talagang ayaw niyang aminin sa sarili niya na naprepressure siya sa pinagsasabi ng mga kaibigan niya. Lecheng mga bestfriends nga oh!
Dahil naabutan niya ang girlfriend niya na nagluluto, ay hindi niya na muna iyon dinistorbo. Medyo umaangat ang nighties nito kapag tumitingkayad, kapag kukuha ng gamit sa cabinet. Shit, Jared. Get. A. Grip. Of. Yourself.
Nilapitan niya iyon at niyakap niya mula sa likod. Medyo nagulat naman si Ice. "Hi, ano niluluto mo Hun?" Tanong ni Jared.
"Bacon and Eggs." Napangiti siya dahil sa naramdaman niyang vibrations mula sa kayakap. Tumawa kasi ito. “Dapat perfect yung eggs ha.” Biro niya. Sinapok tuloy siya ng fiancée niya. “Ang sama mo, porke’t hindi ako marunong magprito ng maayos.” Nagtatampong sabi niya.
BINABASA MO ANG
I love you, Oppa.
RomanceEver since the world began, ay mahal na ni Ice ang bestfriend ng Kuya niya na si Jared ngunit hindi siya magustuhan ng binata dahil sa 'age-gap' nila. Halos gawin niya na ang lahat para mapansin siya nito. mapapansin na kaya siya ni Jared? o forever...