Chapter 30
One week na rin ang nakalipas simula nung awkward moment na ‘yun. One week na hindi kami nagpansinan, totally. Actually, ako lang naman talaga. Tinotopak kasi ang lola niyo kaya ayaw niyang pansinin ang lolo niyo. At hanggang ngayon, wala pa rin sina Kuya at Ate. Tapos, wala si Manang Els. Nasa province ito at may inasikaso. So, technically, kaming dalawa lang ang andito.
Pero, minsan napapansin ko naman na nag-eeffort siya na magpansinan kami. Kinakausap ako, pero puros tipid na sagot lang ang ibinibigay ko. At lagi niya naman akong pinagluluto ng breakfast. Papatawarin ko na ba, friends? Hahaha. Sige na nga!
Joke. Eh wala naman siya dito, so, wag na muna. Hahaha. Ako na ang malabo. =_=
****
Ipinark ko na yung kotse ko sa parking lot ng ampunan at kinuha yung cupcakes na binake ko kanina. Hay, kamusta na kaya sila? Pagkapasok ko ay bigla kong hinanap yung pagbibigyan ko ng cupcakes.
Naabutan kong naglalaro sila nina Ethan ng habulan sa malaking garden dito. "Baby Zarina! Baby Ethan!" Lumingon ito at tumakbo sila papalapit sakin.
"Mommy. Tagal na ikaw di punta sakin. Sad tuloy ako." Cute cute naman. Nakakamiss din tong batang ‘to.
"Sorry baby, busy lang ako. Pero nagbake naman si Mommy ng cupcakes oh. Here." Pumunta kami sa isang bench at pinagsaluhan yung cupcakes. Syempre, shinare niya na din sa friends niya.
"Mommy, si Daddy? Why are you not with him?" Tanong ni Zen sakin habang pinupunusan ko yung bibig niya na may mga icing. Katabi niya nga si Ethan na kumakain din.
Tahimik lang ang peg niya ngayon.
"Onga Mommy. Pumunta siya dito last week, kaso sabi niya, busy ka daw. Di ako naniniwala." Tapos nagpout pa si Ethan. Mommy na rin ang tawag nito sakin. Pero sabi niya, mother in law niya raw ako. Hahaha. Akalain niyo, crush pala ni Ethan si Zen. Lokolokong bata. Chicks agad inaatupag.
"Ummm. Busy talaga si Mommy mga babies. Tsaka, di kami naguusap ni Jared." I said. Biglang umiyak si Zen na agad namang pinatahan ni Ethan.
"Mommy, bakit Jawed tawag mo kay Daddy! Diba Oppa? Waaaaaaaah." Luh. Pati pagtawag, big deal sa kanila? Naloka naman ang bangs ko.
After ng maahabang explanation at pag-aalo kay Zen, ay tumahan na rin ito. Hay, hirap magsinungaling sa matatalinong bata na ‘to. Manang-mana sa tatay-tatayan nila. Peste.
"Mommy, pahiram ng phone. Maglalaro ako." Ethan said all of a sudden. Binigay ko naman sa kanya ito agad habang iniipitan si Zen. Maya-maya...
"Hello Daddy! Ethan to! Punta ka dito… Bakit mo away mommy ha?... Iyak si Zen kasi di kayo bati ni Mommy!" Hala! Naisahan ako ng batang to. Nakng. Lumayo ito sakin, dahil akmang aagawin ko yung phone. “Ethan!”
Hanggang sa, napansin kong umiiyak siya. Totoong iyak.
"Wala na nga ako real family, mawawala pa pati to?" He said in between sobs. Kawawa naman si Ethan. Hala, pati si Zen umiyak na rin. Bigla akong nakaramdam ng awa sa mga batang ito. Inagaw niya yung phone kay Ethan.
"Daddy. Bati na kayo ni Mommy please?" Nag-iyakan na sila. Hayyy sakit sa bangs!
"Talaga? Pupunta ikaw dito? Waaaaaaah daddy! Go daddy! Fighting!" Zen. Inagaw naman ni Ethan yung phone. "Go daddy!" Tapos inend niya na yung call. Napatingin naman silang dalawa sakin, at ngpeace sign.
BINABASA MO ANG
I love you, Oppa.
RomanceEver since the world began, ay mahal na ni Ice ang bestfriend ng Kuya niya na si Jared ngunit hindi siya magustuhan ng binata dahil sa 'age-gap' nila. Halos gawin niya na ang lahat para mapansin siya nito. mapapansin na kaya siya ni Jared? o forever...