I love you, Oppa. - 35.5

1.6K 19 2
                                    

Chapter 35.5

"Bakit walang tao dito?" Kakarating lang namin galing sa dinner. Asan kaya mga tao dito.

"Ewan. Baka nauna na mag-swimming."

"Ano ba yan. 5 minutes before 8 palang ah. Excited much."

Umupo muna ako sa sofa tapos binuksan yung TV. Pumunta naman sa kusina si Oppa tapos kumuha ng baso ng tubig.

"Here." Binigay niya ito sakin. Tamang-tama, uhaw na ako.

"Thank you.”

"Nga pala, baby. Magbihis ka na nung swimsuit mo. Tapos, wear something to cover it. I'll wait for you here in 10 minutes."

"Oh sige."

*

"Huh? Ang layo naman ng pinag-swimmingan nila."

Kanina pa kasi kami naglalakad kung san-san. Pero sabi niya, malapit na daw kami.

Eh limang beses niya ng sinabi na malapit na kami. -.-" walanjo.

"Kailangan kitang i-blindfold, Ice."

"Kailangan ba talagang i-blind--sabi ko nga kailangan talaga." Pinatalikod niya na ako tapos piniringan.

"Wala ka na bang nakikita?"

"Kahit madilim, ikaw lang nakikita ko, Oppa." Hahahahaha. I bet namumula nanaman ang tenga niyan.

"Tss. Tara na nga."

Inalalayan niya akong maglakad. Umakyat pa nga kami kung saan. Eh sa di ko naman nakikita. Nu ba kayo. Hahahaha.

"We're here."

"Hoy Oppa wag mo kong iiwan dito!"

"Wait lang. Andito lang ako!"

Tinanggal niya yung blindfold ko aaaaaand...

"Surprise!"

Andun sina Kuya Tristan at Ate Ingrid, Kuya Kevin at Ate Karol, si Jaja, Miko, Noah, Anna, sina Kuya Ash at Ate Denise.

"Teh! Happy Birthday!" Niyakap naman ako ni Jaja.

Oh my god!

"Uy, happy birthday tol!" Niyakap din ako ni Miko. Lumapit na rin si Noah at niyakap ako ng mahigpit. "Loveeeeey! Happy Birthdaaay!"

"Oh my gosh, hindi ko kayo ineexpect na makakapunta?"

"Teh! Wala pang palya ang pagcelebrate ng birthday mo na kasama mo ko!"

"I wouldn't miss this for the world, lovey!"

"Happy Birthday, Pugo!" Binati din ako ni Kuya Kev at nina Ate K.

*

Kumain na din kami nung prinepare nila. Nag-rent ng isang pool sina Kuya exclusively for the party. May konting inuman tapos party-party talaga.

"Happy Birthday, baby ko." Bulong sakin ni Jared.

Niyakap ko siya. "Thank you talaga! Nakakainis may ganito pala. Ang saya ko. As in."

"Anything for you, love."

"Landeeeeeeee." Hanep na jaja to. Kung makasulpot. Kasama niya rin si Noah at Miko.

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon