I love you, Oppa. -Epilogue.

1.9K 39 10
                                    

Epilogue

Ice’s POV

"Hi, Baby." Sinalubong naman ako ni Sebastian ng mahigpit na yakap. Hay, ang cute niya talaga oh.

"Hi, mommy. Sebby missed you." I leveled myself to him as he give me kisses. Kung ganito ba naman ang aabutan mo galing sa stresshole na opisina, hinding hindi na nakakasawang umuwi.

Gumanti ako ng mga maliliit na halik sa anak ko. "You big boy. How's school?" Hindi na nakapagsalita si Seb when someone interrupted us.

"Si Seb lang ang may kiss?" Napatingin ako sa lalaking nakatayo few meters away from us. Tumayo ako at sinalubong siya ng halik. A sweet, long kiss-his favorite. "Ahhh. Sarap." And he took a peck. Hindi na nasawa. Hihi.

"Hi, Oppa. Kauwi mo lang?" I asked him.

"Kanina pa. I went home to cook dinner. Getting stressed?" He brushed my hair and caressed my cheek. "Yeah. Sobrang daming rtw na gagawin." Halos magkasugat-sugat na din ng karayom yung kamay ko.

"No worries. Mawawala yang stress mo kapag natikman mo yung specialty ko." He smiled.

"Fried eggs?" Pero sumimangot ito. "Tsss." Naalala ko kasi dati nung madalas niya akong ipagluto ng eggs nung naglilihi ako kay Seb.

"Alam ko. Yung Pasta dish. Naamoy ko na nga e. I'm really hungry, Oppa." Inakbayan niya ako at hinalikan ang buhok ko. "Kain na tayo!"

"Ehem." Napatingin kami ni Oppa ng sabay sa tumikhim. Nakapameywang ito at naka-pout. Manang-mana sa tatay. Haha.

"You forgot you have a kid." At umiling-iling ito. Napatawa nalang kami ni Jared at kinarga niya si Seb. "Of course not, son. Di ka pwedeng makalimutan ni Daddy and mommy." Napatingin si Jared at napa-'nakalimutan ko nga na may anak tayo look' ito. Hhahaha.

"Let's eat now, baby?" Yaya ko. "Ako? O si Seb?"

"Parehas ko kayo baby kaya kayong dalawa!"

I couldn't ask for more lalo na't meron na akong mag-amang gwapo, mabait at the best.

***

Pagkatapos naming kumain ay nagbihis na ako ng pambahay. Naabutan kong nanonood ng Adventure Time yung mag-ama ko. Nakahiga sa lap ni Oppa si Seb na medyo inaantok na. Kinuha ko ang cellphone ko at pasimpleng pinicturan sila.

Umupo na ako sa tabi ni Jared. "Ang cute niyo ni Sebby talaga." 

Ngumiti lang ito at hinimas yung buhok ni Seb. "Wala e. Ganun talaga kapag magkamukha." Yabang talaga. Haha.

"Sus. Lumaki nanaman ulo niyo." I joked. "Grabe."

I put my head on his shoulders as I intertwined our fingers. "Don't be so stressed, hun." Sabi niya pa.

"Hay, hindi ko maiwasang ma-stress sa work. Onga pala, hun. Magpapaalam sana ako." Tumingin ito sakin. "What for?"

"May out-of-town launch kami ng rtw and designs ng Segovia. Sa isang resort sa Batangas yung venue."

"I see. Hanggang kelan?"

"3 days e. Ayoko nga sanang sumama kasi nag-leave pa yung yaya ni Seb." Namromroblema na talaga ako. Bakit pa kasi sa Batangas pa. Ugh.

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon