I love you, Oppa. - 31.

1.9K 28 6
                                    

A/N: Binawasan ko na ‘yung spaces nito! Hahahaha sorry po kung may mobile readers man ako. Nalerks ako e, tinry ko siya sa mobile at nairita ako sa spaces. Grabeng sama ng loob ang nabuhos ko at galit na galit ako sa spacebar! HAHAHAHA. Sensya na po! =))) Anyway, happy reading!!

Chapter 31 

"You are so clumsy, lovey. Very very clumsy." Tapos piling-iling pa ito sakin. Medyo hindi pa rin ako makatayo ng maayos dahil sa injury kong ito. Hindi ko na sinabihan si kuya dahil baka mag-alala ito.

"Eh ikaw na ang hindi clumsy. Layas nga!" Pinagpapalo ko naman ito sa 'firm' biceps ko. Ginulo niya naman yung buhok ko tapos lumayo sakin ng kaunti. "May PMS ka noh?!”

“PMS mo mukha mo, kakatapos ko lang ng period ko.” See, ganyan ako ka-open sa bestfriend ko. “Bakit ba ang mean mo sakin, lovey? Di mo na ba ako mahaaaaaal?" *pouts*

"Tigilan mo nga ako ng kakapout mo, ipakiss ko yan sa paa ko e." Iniangat ko yung pa ako at ipapahalik sa kanya.

"Yucks. Sa lips nalang!" Noah tapos nilapit sakin yung mukha niya, akmang hahalikan ako. Hinarang ko naman ito ng palm ko kaya yun ang nahalikan niya.

"Nakakamiss kang pagtripan alam mo yun?" Tapos kinurot niya yung pisngi ko. Bakit ba ang hilig nilang mangurot sa pisngiiii?! “Tsss. Bakit ka pa ba pumunta dito?”

Nanood nalang kami ng TV ni Noah. Napabisita kasi ito nung tawagan ko siya na naaksidente ako. Lintik na lalaki to. Lakas maka-asar pero tiklop naman dun sa babaeng crush niya. Parang teenager ang peg e.

"Alam mo, sa pang-aasar mo, matuturn-off sayo si Erin." Ako.

"Hindi. She finds it attractive, dude."

"Ay. Kawawang Erin. Hahahaha. Masabihan nga yun na wag kang i-date!" Hinampas naman ako ni Noah. "Makahampas to ah!"

"Ay di tuloy. Sinipa kita. Ayyy." Inirapan ko ito pero ngumiti lang ito ng pagkalapad-lapad.

"Pero, she won't even date me. Kainis! Di pa rin siya naniniwala n good boy na ako! Tangna, 3 weeks na akong tigang-" pinalo ko ito. "Kilabutan ka nga, Leviste!"

"Totoo naman e. Kasi, para sa kanya, magbabago ako." Seryosong sabi nito. Pauso! Sinubuan ko siya ng madaming popcorn. Hahaha.

"Wow ahsshsh shalamaaaat ssshha pfffkagiiijn-"

"Love you too!" Sagot ko. Haha. Ang cute talaga nito. ;)) sarap ipatapon sa dagat kasama ni Aryana!

"Ehem." Natigil kami sa pag-aasaran ng makita naming nakatayo sa likod si Jared. May dala itong pagkain. Tumabi ito samin. Bale, napapagitnaan nila ako.

"Ayos na ba yang ankle mo?" Tanong niya.

"Same pa rin." Sabi ko habang kumukuha ng popcorn. Iniangat niya naman ito tapos pinatong sa lap niya, pati yung isa ko pang binti. "I-massage ko, gusto mo?"

"Sige sige!" Para gumaling naman kahit konti. Nakaharap pa rin yung ulo ko sa tv pero naka talikod na ako kay Noah. Pero, may ibinulong ito.

"Pasandal, lovey." Pero parang hindi naman bulong e. Parang tanga. Eh ayun, sumandal ito sa likod ko. Maya-maya ay kinuha niya yung kamay ko tapos nilaro laro. Sanay na ako kay Noah at sa pagiging touchy nito. Hello, sa ilang taong ginagawa niya yan, nasanay na rin ako. Napapansin kong nappangiti ito habang hawak yung kamay ko. Muntanga lang.

I love you, Oppa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon