Prologue
For me, ang gabing iyon ay masyadong perpekto para saakin. Halu-halo na ang aking nararamdaman sa panahong 'yon habang nakaupo sa harap ng intablado. Kaba, saya, kilig at panginginig. Ang bilis ng pagtibok nang aking puso, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakaramdam ng ganito, pakiramdam ko lahat ng dugo saaking katawan ay napadpad na saaking mukha, pakiramdam ko nagmumukha naakong kamatis nito.
Ang saya.
Sobrang saya ko.
Ang sarap sa pakiramdam.
"May I have this dance with you?"
"Y-Yes."
Pakiramdam ko, kumakalabog ng todong todo ang puso ko sa mga oras na iyon, lalong lalo na nung nagsimula kaming magsayaw na parang mag asawa sa intablado. Pakiramdam ko, nanghihina yung dalawang tuhod ko, parang gustong gusto kong mag-wala at ilabas ang lahat ng kilig na nararamdaman ko, inaalala ko pa lang ang nangyari sa panahon na 'yon ay pakiramdam ko bumilis yung pag-tibok ng puso ko.
Kung puwede lang sana...
Kung puwede lang sana balikan ang nakaraan.
Kung puwede lang sana may baguhin sa nakaraan para kahit papaano, hindi ito ang aking mahahantungan.
Habang sumasayaw kami 'non, ay di ko mapigilang makiliti ng dahil sa kilig sa panahong yun. Parang kailan lang, nagpapacute lang ako. Parang kailan lang, kilig at saya lang ang nararamdaman ko.
Parang kailan lang, hindi ako umiiyak ng ganito ng dahil lang sa isang tao.
"I like you."
At parang kailan lang, naniniwala akong nagustuhan niya ang isang tulad ko.
Pero hindi eh.
Hindi.
Kasi alam ko kung bakit humantong kami sa ganito ng dahil sa oras na 'yon.
Nang dahil lang don.
Hindi nang dahil gusto niya ako kaya nangyayari ang mga bagay na ito.
Kundi ng dahil sa lintek na oras na 'yon.

BINABASA MO ANG
1:26 AM
Ficção AdolescenteBefore everything goes up and down, Before everything will turn around, Before our tears will flow down to our cheeks, You have to do it now before the clock strikes at 1:26 AM. Because sometimes, being later becomes never.. And let me tell you, you...