Kinaumagahan mugtong mugto ang mata ni Zevy kakaiyak buong magdamag, hindi na nga nya namalayan kung paano at anong oras sya nakatulog sa sobrang sakit ng nararamdaman nya.
Life is so unfair, bakit ba hindi sila pwede ng taong gusto nya? Simple lang ang sagot Zevs, sigaw ng ng isang bahagi ng utak nya, hindi kayo pwede kasi may mahal syang iba at di ka niya gusto. Masakit pero totoo, yun ang katotohan na dapat na nyang tanggapin.... ng maluwag sa puso this time.
Sinusubukan naman nya eh, kaso bakit twing okay na sya eh saka biglang nanggugulo si Nick? kagaya kagabi, okay naman sila pero hinalikan sya nito, aaminin nya, nagkaron sya ng pag asa na baka gusto din sya nito kaya nito ginagawa ang bagay na iyon, pero lahat yun gumuho ng mag sorry ito after that kiss, naisip tuloy ni Zevy, hindi ba sya kagusto gusto? to be honest, one of the reasons why she changed herself is Nick, umaasa syang mapansin nito pero ngayon sisikapin na nyang kalimutan lahat ng feelings nya for Nick, and its for good this time.
On that thought naalala nya na may coffee date pala sila ni Clyde, at ito ang unang hakbang para kalimutan si Nick, hindi na masama to have Clyde in her side, hindi naman nalalayo ang dalawa, sa katunayan mas madali pa nga ang situation with Clyde dahil napaka bait ng taong yun, unlike Nick, everything about him is very complicated, yan tama yan Zevy, mag isip ka lang ng flaws ni Nick para mabaon na sya sa limot, pero grabe yung mata ni Nick sobrang ganda, at ang abs......teka, flaws nga diba? bakit yung pagiging hot nya ang nasa isip mo gaga? sabi ng Meldi nyang utak.
Sinipat nya ang relo nya, good thing it's only 11am, maaga pa naman makakapag handa pa sya for her date with Clyde.
After fixing herself she look at her reflection at the mirror,she decided to wear a simple dress na hanggang gitna ng pagitan ng hita nya ang haba, fitted type ito which showed all her curves, Ana always tells her that she is very sexy, malaking boobs na hindi naman bastusin, wide hips na hot tignan at small waist na gustong i achieve ng ibang mga babae. She made her make up as simple as possible, ayaw nyang mag trying hard at hindi din naman sya sanay na makapal ang kolorete sa mukha.
Ng sa tingin ni Zevy ay okay na ang itsura nya sinipat nyang muli ang wristwatch nya, its already 1:30pm, malapit lang naman ang coffee shop na pagkikitaan nila ni Clyde kaya naman hindi sya nag aalala na male late sya.
Parang may kulang sa gamit nya, sinisipat nya ang shoulder bag na ginamit nya kagabi para sana ilipat ang laman nun sa gagamiting nyang bag ngayon, tama , wala dun yung pouch nyang naglalaman ng mga ID nya, pilit inalala ni Zevy ang mga pinuntahan nya at posibleng paghulugan ng pouch na iyon, tama! nalaglag siguro ng mag CR ako kagabi ng bigla akong hilahin ni Nick para halikan, arggggghhhh! nakakainis talaga ang lalaking yun, puro problema ang dala sa buhay ko.
Hindi bale dadaanan ko nalang mamaya sa VIP bar after ng date namin ni Clyde. For the meantime i eenjoy ko muna ang date ko.
Natauhan si Zevy ng biglang may kumatok sa pintuan nya, sino kaya yun? sa isip ng dalaga.
Pagbukas nya ng pinto nagulat sya ng makita duon si Clyde na gwapong gwapo sa porma nito.
Simpleng V Neck Shirt na kulay itim at maong pants ang get up nito, naka Denim jacket din ito kaya nagmukha itong modelo na pinipilahan ng mga endorsement.
Ang fresh fresh naman tignan ng mokong na to, mestizo kasi kaya ang linis linis tignan, sana talaga ikaw nalang magustuhan ko, naisip ni Zevy. Those green eyes, yun palang makalaglag panty na, ano kayang feeling ng maging jowa ng lalaking to? Hoy Zevy, date palang to, wag assuming at baka masaktan ka na naman, baka he is being nice lang din sayo kasi mabait naman talaga si Clyde among his friends.
"Done checking me Zevs? " natatawang tanong ni Clyde.
"Oo, ikaw naman kasi ang gwapo mo ngayon, kala mo naman totoong date to" Pabirong wika ni Zevy.
BINABASA MO ANG
VIP Series #1 (Nicholas Bateman) The Heartbreaker (COMPLETED)
Romance"The New Betty La Fea" ganyan ang trademark ni Zeverina Delos Santos a.k.a Zevy sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Hindi marunong mag ayos, mukhang sabog , at ang tipo ng babae na laging nabubully, but It never stopped her to excel on her job as a...