Tapos na ang lunch break kaya naman it's time to say goodbye to her husband.
"So , I have to go, marami pa akong tatapusin" paalam ni Zevy kay Nick.
"Ah yeah sure, see you later , antayin kita mamayang uwian sa parking area ah" sabi ni Nick sabay halik sa labi nya, medyo matagal ang halik na yun kaya naman kinilig ng bahagya si Zevy.
Pagtapos ng halik ay bumulong si Zevy.
"Halik ni hudas boy!" bulong ni Zevy sa sarili.
"Anong sabi mo hon? parang may narinig akong something na hudas" tanong ni Nick.
"Ah wala ah, ano sabi ko whoooh that's food, yung ano yung kinain natin, yung ang tunay na pagkain, walang preservatives" palusot nya kay Nick.
Tuluyan na syang nagpaalam sa asawa, pag labas nya, naabutan na nya si Bianca na tila kakabalik pa lamang sa table nito.
"Oh Zevy, okay naba yung meeting mo with boss? parang ang tagal nun ah, halos 2 hours din, nakapag lunch kana ba? baka puro work ka nalang ah" Bianca told Zevy.
Oo nga nanan ang tagal nya sa loob, mabuti na lamang at itinawag na ni Nick sa head nya na nasa office sya nito, para kahit ma late man eh walang problema.
"Ah, ano nagpa deliver nalang kami ni Sir , tapos kumain kami sa loob while discussing something, ganon" paliwanag ni Zevy.
Mabuti na lamang at hinugasan na nya lahat at malinis na ang lahat bago sya umalis, kasi kung hindi ay magtataka si Bianca pag naamoy nya ang mga niluto nyang ulam sa private room ng asawa.
"Sige Bianx, una na ako ah, marami pa akong gagawin" wika nya, pero tila may naalala syang sabihin kay Bianca.
"Bianx, can you do me a favor?, pwede bang tawagan mo ako pagbalik ni Sir kung lalabas man sila ni Ms. Maggie? diba sabi mo kasi magkikita sila, so I assume na lalabas yang dalawa" she asked Bianca.
"Sure Zevs, pero teka , bakit ?,may unfinished business pa ba kayo ni Sir? di paba kayo tapos sa meeting nyo?" takang tanong ni Bianca sa kaniya.
"Ah yes , yes, may pinapatapos pa kasi sya sakin, kaya ano, kaya pinaaantabayanan ko sya sayo para alam ko kung nakabalik na sya at mapasa kona yung mga papers sa kaniya" pagdadahilan ni Zevy.
"Ah ganon ba? eh pwede naman na sakin mo nalang ibigay sakaling wala pa sya mamaya, secretary nya naman ako remember?" sabi ni Bianca.
"Eh diba ano nga, confidential nga yung pag uusap namin, bawal na may maka alam na iba hanggang di pa official na okay" wika ni Zevy.
"Oo nga pala no?" Bianca said.
"So can I count on you Bianx?" Zevy asked Bianca.
"Sure Zevs,ikaw paba?, so pano, back to work na tayo" Bianca said.
"Thanks Bianx' said Zevy after she bid her goodbye to her husband's secretary.
Kumpiyansa si Zevy na kahit kailan ay di nya magiging karibal si Bianca pagdating sa asawa, Kung baga she's not the type of person na lalandi kung kani kanino, she's a very decent woman.
Nasa desk na sya pero wala pa rin syang ibang iniisip kung hindi ang meet up mamaya ng asawa at ng ex nito, imagine, may asawa na at lahat, may time pa to date his ex, nawawala tuloy sya sa align dahil sa kakaisip kung anong mangyayari sa dalawa pag nagkita ang mga ito.
Nakakabaliw mag isip, yan ang nasa isipan ngayon ni Zevy, napa praning sya na baka may gawing hindi maganda ang dalawa, nakakalungkot isipin, pero may karapatan ba syang pigilan si Nick sa mga gawain nito kagaya na lamang ng pakikipagkita sa mga taong gusto nitong makasama?
BINABASA MO ANG
VIP Series #1 (Nicholas Bateman) The Heartbreaker (COMPLETED)
Romance"The New Betty La Fea" ganyan ang trademark ni Zeverina Delos Santos a.k.a Zevy sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Hindi marunong mag ayos, mukhang sabog , at ang tipo ng babae na laging nabubully, but It never stopped her to excel on her job as a...