Zevy woke up with a heavy head, parang pumipintig pintig ang ulo nya sa sakit, she also noticed something heavy na nakapatong sa kaniyang dibdib, idinilat nyang mabuti ang mga mata para makita kung ano ba ito, nagulantang ang buong pagkatao nya ng makumpirma nyang braso ito ng isang lalaki.
Kinakabahan na pumaling si Zevy sa kaliwang bahagi ng kama kung saan nakahiga ang lalaking katabi nya ngayon.
Parang naupos na kandila si Zevy ng mapagtanto kung sino ang estrangherong may ari ng mga brasong nakapulupot sa kaniya, teka estranghero nga ba? dahil ang lalaking katabi nya ay walang iba kung hindi ang lalaking pinaka mamahal nya, ang boss nya, si Nick.
Napatakip nalang sa bibig nya si Zevy, hindi nya alam ang gagawin, nakita nya sa bedside clock na alas otso na ng umaga, pilit nyang kinakalma ang sarili at inaalala ang lahat habang yakap pa din sya ni Nick na napaka himbing ng tulog.
Biglang nakaramdam ng kirot sa pagkababae nya si Zevy ng subukan nyang gumalaw ng bahagya, at ito ang nagkukumpirma ng kinatatakutan nya, may nangyari sa kanila ni Nick at sigurado sya.
Pilit nyang inaalala kung pano nangyari ang lahat, sa bar, si Adam, yung alak, ang pagkikita nila ni Nikki, ang paghatid nito sa kaniya sa loob ng mansyon, ang pagpasok nya sa kwarto. Napu frustate na sya kakaisip kung bakit humantong sa ganon ang lahat.
Tama, naalala nya ,parang nananaginip sya kagabi, nakita nya si Nick sa panaginip nya parang pinagmamasdan sya, umupo pa nga ito sa gilid ng kama, my God Zevy, napaka istupida mo, lasing na lasing ka kasi kagabi , sigaw ng utak nya.
So lahat pala ng inaakala nyang panaginip ay totoo, so totoong sinamantala nya ang pagkakataon para makasama kagabi ang lalaking lihim nyang minamahal.
Pinagamasdan nya ang mukha ng binata, "Bakit ba kasi ikaw pa eh?, bakit minahal pa kita?," bulong ng dalaga.
Kahit sang anggulo mo tignan, napaka gwapo talaga nito , kahit natutulog at walang kamalay malay ay ang sarap nitong pagmasdan.
G*ga! bumangon kana at baka makita kapa ng lahat ng tao paglabas mo, sigaw ni Meldi, ang malditang bahagi ng utak nya.
Sa isiping iyon ay dahan dahan nyang inaalis ang braso ng binata na nakayakap sa dibdib nya, pero tila mahihirapan sya dahil maging ang mga binti nito na mhahaba ay naka dantay sa mga binti nya.
Kahit hirap na hirap ay sinubukan ni Zevy na alisin ang mga braso at binti ng binata sa kaniyang katawan, nagulat ang dalaga ng biglang gumalaw si Nick , umungol ito bigla na tila ayaw tanggalin ang magkakadikit nilang mga balat, lalo lamang humigpit ang pagkaka yakap nito sa kaniya.
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Zevy ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at biglang natigilan ang tao na pumasok.
Kitang kita nya kung paano naglaglagan isa isa ang mga luha ni Maggie dahil sa naabutang eksena.
Nag umpisa ng lumapit ito at pinaghahampas si Nick na natutulog pa ng mga oras na iyon.
"Mga hayup!! pano nyo nagawa sakin to?"buong lakas na sigaw ni Maggie habang hinahampas si Nick at umiiyak.
Nagising bigla si Nick sa lakas ng hampas at tili ni Maggie, maging ito ay nabigla, habang ako naman ay binalot ko ng kumot ang aking sarili dala ng kahihiyan ngayong kaharap ko si Maggie.
"Sabihin mo Nick, kelan pa, kelan pa ninyo ako ginagago? how could you do this to me? hindi pa ba ako sapat?, is 6 years not enough para maging faithful ka sakin ha? " sigaw ni Maggie habang lumuluha, kitang kita ko ang sakit sa mga mata nya, at hindi ko kayang tagalan ang eksenang ito, dahil ako ang isa sa mga dahilan kung bakit ito nasasaktan ngayon.
BINABASA MO ANG
VIP Series #1 (Nicholas Bateman) The Heartbreaker (COMPLETED)
Romance"The New Betty La Fea" ganyan ang trademark ni Zeverina Delos Santos a.k.a Zevy sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Hindi marunong mag ayos, mukhang sabog , at ang tipo ng babae na laging nabubully, but It never stopped her to excel on her job as a...