Hindi namalayan ni Zevy kung gaano katagal na syang nakakatulog ang naaalala lang nya ay wala pa sya sa kaniyang apartment dahil nasa mansyon pa din sya ng mga Bateman, it's already Sunday gaya ng naka saad sa cellphone nya pag tingin nya dito, ano na naman kaya ang mangyayari sa buhay nya? naisip bigla ng dalaga.
Lahat ng nangyayari sa kaniya parang napakabilis, di nya alam kung matutuwa ba sya o maiiyak dahil kahapon lang ay nagkaron ng matinding komprontahan sa pagitan nila Maggie , nya at ng mga Bateman.
Sobrang hiya hiya sya pero gaya nga ng sinabi ng mga ito , magsisisi man sya ay huli na ,naganap na ang di dapat mangyari, she just have to learn how to deal with it lalo pa nga at nagkaron na sila ng kasunduan ni Nick na itutuloy nila ang kasal pero walang makaka alam na mag asawa sila, and most importantly, yung part ng deal sa pagitan nila.
Nick can do whatever he wants kahit pa ang balikan nito si Maggie, and for her she can also do whatever she wants, pero paano nya gagawin iyon kung nakuha na nya ang bagay na pinaka inaasam nya, ang bagay na nuon pa man ay gusto na nya, mahirap pero kailangan nyang sumunod sa deal, dahil kung hindi lalo lang syang malulugmok dahil malamang ay hindi panagutan ni Nick ang naganap sa kanila lalo pa at kitang kita nya na mahal na mahal pa din nito si Maggie.
Bigla namang sumagi sa isipan nya si Clyde, sobra syang naawa at nagi guilty sa binata, lahat ay ginawa nito para lang magustuhan nya, sayang lang at matagal ng merong may ari ng puso nya, kahit ilang beses pa syang mag deny, she's head over heels kay Nick at kung natuturuan lang ang puso, didiktahan nya itong si Clyde ang piliin kaysa sa isang lalaking kahit kelan ay tila hindi magiging kaniya.
Ngadadalawang isip sya kung tatawagan si Clyde, pero baka magkasama pa din ito at si Nikki, ayaw nya munang istorbohin ang mga ito kaya nagpasya syang kakausapin nalang ito ng personal, sa ganong paraan makaka hingi sya dito ng tawad.
Nakatanggap sya ng text mula kay Ana, nag aaya itong mag bar dahil may good news daw ito sa kaniya, tila nahuhulaan nya na iyon, malamang ikasal na ito kay Grey, ganon na kaseryoso ang mga ito, samantalang sya, eto ,papakasal dahil lang sa nadisgrasya.
Pinili nyang wag munang sagutin ang kaibigan ,mamaya nalang dahil wala pa talaga sya sa tamang katinuan para makipag usap sa kahit sino maliban sa mga taong involve sa problema na kaniyang napasukan.
Mahihinamg katok ang nagpa gising sa diwa nya.
Binuksan nya ang pinto at bumungad sa kaniya ang isang may edad na naninilbihan sa mansyon ng mga Bateman.
"Iha, pinapatawag kana ni Senyora Nancy, sumabay kana daw sa agahan" anang katulong.
"Nay , ano po pala pangalan nyo?" tanong ng dalaga.
"Tawagin mo nalang akong Nana Pacita, matagal na ako dito, ako pa ang nag alaga kila Nick at Nikki nung mga bata pa sila" pakilala ng ginang.
"Nana Pacita, sige po susunod na po ako" tila kinakabahang wika ni Zevy.
"Naku anak, wag kang matakot sa kanila, mababait na tao ang mga amo ko, ni minsan at hindi ako nagka problema sa kanila lalo na sa mga anak nila, kaya nga nagtagal ako sa kanila" paliwanag ni Nana Pacita
"Naku Nana Pacita, kung alam nyo lang po kung bakit ako nahihiya at natatakot, baka masabunutan nyo po ako" biro ni Zevy.
"Naku iha, maniwala ka , alam ko lahat ng ganap sa bahay na ito, hindi mo kailangan na mahiya, di lang ikaw ang may pananagutan sa mga nangyari,at isa pa , ikaw ang babae kaya mas may karapatan ka sa dapat maging kahantungan nito" sabi ni Nana Pacita.
"Salamat po Nana, sige po , mag aayos lang po ako at baba na ako, may magagamit po ba ako dito para po makapag palit man lang ako ng damit bago po ako humarap sa kanila, nakakahiya naman po kasi itsura ko" tanong ng dalaga.
BINABASA MO ANG
VIP Series #1 (Nicholas Bateman) The Heartbreaker (COMPLETED)
Romance"The New Betty La Fea" ganyan ang trademark ni Zeverina Delos Santos a.k.a Zevy sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Hindi marunong mag ayos, mukhang sabog , at ang tipo ng babae na laging nabubully, but It never stopped her to excel on her job as a...