CHAPTER 19

1.6K 54 10
                                    

DAY 165

"YOU LOOK ODDLY HAPPY," bati sa kanya ni Meg nang magkita sila sa rehearsal dinner para sa kasal ng kanilang pinsan.

Nasa Quezon sila ngayon, dito kasi sa isang liblib na lugar dito ikakasal ang pinsan niyang si Athena. Hindi niya maintindihan kung bakit dito pa eh ang dami namang malalaking resorts sa mas malalapit na lugar. Sabagay, ano nga ba naman ang laban niya sa gusto ng mga ikakasal. The couple met here and apparently fell in love here as well kaya naman dito nila gusto i-seal ang deal. Too cheesy but she feels happy for Athena, she's found happiness.

Sila kaya ni Andrew?

Napailing siya bigla. Bakit niya ba iniisip yun eh hindi niya nga tuluyang maamin na mahal na din niya si Andrew. He's different from Adrian but she's still so scared that he'll break her heart. That face has broken her heart to pieces so many times, natural lang na matakot siya.

"Dahil yan sa hubby mo no? I can see your eyes sparkling again." Meg continued to probe her.

Hindi pa din kasi alam nito na ang asawang tinatawag nito ay hindi naman talaga si Adrian. Everyone's going to be dead mad kapag nalaman ng mga ito ang totoo.

"No," umiling siya. "Hindi to dahil kay Adrian."

Dahil kay Andrew.

"Wala pa bang baby? Ang tagal na ninyong kasal. A baby would be great. Wala pa din kasing babies sa family." Meg sighed.

"Edi ikaw ang magbigay ng baby, bakit ako?" Tudyo naman niya dito, hindi naman siya offended kasi siya nga naman ang unang kinasal sa kanilang magpipinsan. It's but normal to assume na sa kanya manggaling ang unang baby ng pamilya. "A baby isn't in my plans yet."

"Ito naman, this is a fun occasion why are you bringing down the mood." Sabi ng pinsan niya sa kanya. "He's changed a whole lot. Tingnan mo nga, nakikipag-usap siya kina Kuya Kairos oh. Hindi ko pa siya nakitang ginawa yan before."

"He's not the same man." Itinuon niya ang tingin kung nasaan si Andrew. Meg is right, hindi nga ginagawa ni Adrian ang ganito noon. Iniiwasan nito ang pamilya niya at all costs. "That's the best part."

"Kita mo, kung makaarte ka akala mo naman di mo gusto yung asawa mo. We all can see, you love the guy." Hindi si Meg ang unang nagsabi nito. Hindi lang ito ang nakapansin.

Yes, her heart beats for Andrew pero hindi niya alam kung paano sasabihin ito. For the past few months ay siya lang ang inasikaso nito. He is still Adrian in everyone's eyes though, kasinungalingan pa din sila.

Habang tinitingnan niya si Andrew ay napansin niyang lumingon-lingon ang pinsan niyang si Kairos sa iba-ibang direksyon. He was looking for somebody.

"Sino ang hinahanap ni Kuya?" Tanong niya kay Meg.

"Sino pa ba? That guy is so much like you, sobrang tight lipped sa feelings niya. He's looking for Mikee. Palagi naman." Tapos itinuro uli nito ang nakakatanda nilang pinsan. "Tingnan mo, once his eyes settle on her basta makita lang niya si Mikee, okay na siya."

At totoo nga, nang napansin niyang nakita na nito si Mikee ay gumuhit ang isang ngiti sa labi ni Kairos. Hindi man lang ito napansin ni Mikee na busy sa pakikipag-kwentuhan sa iba pang mga tao. Ganyan ba ang ginagawa niya kapag wala si Andrew? Ganyan ba ang reaksyon niya? Does she love him like that already?

"Ganyan ako?"

"Oo, ganyan na ganyan." Natawa si Meg. "You were looking at him bago kita kinausap. Di ko alam kung bakit di mo alam. You and Kuya Kairos both show affection quietly, minsan secretly."

"Hindi ko nga alam na posible palang maging ganyan si Kuya Kairos." Sabi niya, no one expected that Mikee would've made the ever so great and intimidating Kairos San Vicente bow down to her. "Pero mukhang hindi naman pansin ni Mikee."

San Vicente 2: Fallacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon