CHAPTER 7

1.9K 61 14
                                    

DAY 32

ISANG BUWAN na silang magkasama ni Andrew and he has been fulfilling his part of the deal. Nagagawa nito lahat ng iniexpect ng mga tao mula kay Adrian with help from her of course. Pero talagang iba. Siya lang ata ang nakakakita kasi kilalang-kilala niya si Adrian. Pero ang weird na kahit nanay ng mga ito ay hindi man lang mapansin ang difference.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Andrew sa kanya nang makabalik siya galing sa opisina.

"I am curious. Bakit lagi mo akong inaalok na kumain?" She asked. Mula kasi simula ay hindi ito nagsawa na tanungin siya tungkol sa pagkain.

"It's the most basic question there is. Hindi ko naman pupwedeng kamustahin ang trabaho mo kasi hindi ko naman masyado maiintindihan yun." He smiled. "So, kumain ka na ba?"

"Nagtatanong ka palagi, wala namang pagkain." Lagi talaga siyang nagsusungit dito. She just can't help it.

Isang buwan na nga pero hindi pa siya ready na maging mabait kahit na papaano dito. Hindi rin naman kasi kailangan. Besides, Andrew puts up with her and all her antics.

"Meron, hindi ko lang hinahain kasi baka lumamig. Kakain ka ba? Maghahain ako." He was about ready to get the plates. Mukha din itong masaya which is weird.

"No," tumalikod siya at naglakad papuntang kwarto niya. She's gonna irritate the crap out of him.

But karma is a bitch kasi nagising siya sa kalagitnaan ng gabi na gutom na gutom. Hindi nga pala kasi siya nakakain ng kahit na ano halos buong araw kasi madami siyang meetings. It's already two in the morning kaya for sure ay tulog na si Andrew kaya okay lang na magkalkal na siya sa labas ng pagkain. She's going to starve to death if she doesn't get anything to eat.

When she opened the fridge ay bigla siyang nafascinate dahil may laman nga ito maliban sa tubig, juice, at mga kape niya. Ilang taon na siyang mag-isa sa bahay na ito and it's been as empty as her life has been for the past few years.

Kinuha niya yung isang container na parang may adobo at yung container na may tirang kanin. She was trying to make close to no noise dahil ayaw niyang magising si Andrew. Okay lang na kainin niya lahat to ng malamig para lang mawala ang gutom niya.

"Initin muna natin." Parang nilisan ng kaluluwa niya ang kanyang katawan dahil sa boses na yun.

"Andrew! Papatayin mo ba talaga ako?" Sapo-sapo niya ang dibdib dahil sa mabilis nitong pagtibok.

"Akala ko kasi may magnanakaw kasi may kumakalukos. Sorry." Binuksan nito ang ilaw bago muling lumapit sa kanya. "Iinitin ko muna yung pagkain. Masamang kainin mo yan ng malamig."

"Huwag na. Di na ako nagugutom." Tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Andrew.

"I will just reheat the food and let you eat in peace." He smiled before taking the containers in front of her and proceeding to the microwave and stove.

"Hindi ka ba napapagod na maging mabait sa akin kahit na tinatarayan kita palagi?" Nagtataka siya kung saan galing ang kakaibang haba ng pasensya nito sa kanya.

"Gusto mo bang hindi ako maging mabait?" He looked at her. "May kasalanan ako sayo kaya ako ganito. Plus on normal days, mabait naman ata talaga ako."

"I just don't get you. Hindi ka naman entirely involved sa buhay ni Adrian. I've seen you like three times tapos gagawin mo to for him? For what?" She wanted to ask these questions for so long pero hindi niya magawa kasi nauunahan siya ng galit para kay Adrian.

"I told you, I did it for you. Sana lang naisip ko na hindi mo naman pala kailangan ng magliligtas sayo." There was sadness in his smile.

Nakunsensya tuloy siya. Kailangan ba talaga niyang isipin na masama din ang intensyon nito sa kanya? She's known him to be kind from the beginning anyways. Paano na ba to? Ang tapang-tapang niya pero medyo lumalambot siya sa kabaitan ni Andrew. It's a curse na kaparehas ng mukha nito ang mukha ng lalaking pinakasusuklaman niya ngayon.

San Vicente 2: Fallacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon