CHAPTER 20

1.9K 52 7
                                    

DAY 188

"I HAVEN'T BEEN feeling well lately." Sabi niya kay Andrew nang bumaba siya for breakfast. "I think I've been so stressed that it's been affecting me."

"Why? Ano bang masakit sayo?" Nilapitan siya nito at tiningnan agad kung may lagnat siya. "You don't have a fever."

"Not a fever, I'm just feeling off. Nagsuka ako kanina paggising and I just feel kind of awful now." Bumuntong hininga siya. "Ang dami kasing trabaho sa opisina ngayon."

"Anything else abnormal?" He asked.

"What do you mean?" Nagtaka siya. "This will go away din, wag kang masyadong mag-alala. I always forget that you're a doctor."

Siguro sa tagal na nilang magkasama ay iniisip niyang ang trabaho nga nito ay ang mga iniwan ni Adrian. He's been filling up for him for at least half of the year. Noong kamakailan ay nakita niya ito in action nang tumulong ito sa rescue nina Kairos at Mikee and that just reminded her of who he really is.

After Athena's wedding at naaksidente sina Kairos. Their car hit a truck. Andrew did his best in the chaos to assist, sinasabi lang nito na madami siyang natutunan sa kapatid nito and that he knew good first aid. Besides, kina Kairos at Mikee ang focus noon at hindi sa abnormally good medical skills in Andrew. Mabuti na lang at nasa malapit pa sila sa pinangyarihan ng aksidente.

"Ang tagal ko na din kasing si Adrian." He said.

"Sorry about that." Sabi niya dito. She felt guilty.

"If I need to be Adrian to be with you, I'm always willing." Ngumiti ito sa kanya. "Are your periods regular?"

"Huh? Ahm. That's awkward." Natawa siya ng kaunti. "Oo naman...wait. I think I'm a few days late pala."

Binuksan niya ang cellphone at tiningan ang calendar doon. Mga dalawang linggo na nga siyang delayed sa usual niyang cycle. It is unusual but not something that hasn't happened to her before.

"Do you think I'm pregnant?" She asked him, iniisip niya din pero hindi niya pa alam ang magiging reaction niya talaga.

"Well we haven't been the most celibate, you know." He smiled. "We should be sure."

"Nangyari na din to before, I was gunning for big company transitions. Super stressed lang talaga." Then she was about to take a sip of her coffee nang pigilan siya ni Andrew.

"Paano kung hindi ganun ngayon?" Kinuha nito ang kape sa kanya at pinalitan iyon ng isang baso ng juice.

"Huh? No coffee?" She pouted. "I wanted my coffee."

"Not until we're sure. Hindi maganda ang kape sa baby if ever." Napangiti siya sa sinabi nito. He's already a doting father kahit na hindi pa sila sigurado.

"Okay, okay." Tumango-tango siya. "I'll probably be busy today. Okay lang bang bukas na tayo magpunta sa OBGYN ko?"

"Oo naman," he smiled. "Come on, eat breakfast and get ready. Ihahatid kita sa office."

It was a great thing to think about, dati hindi niya man lang maisip na magka-baby, na maging ganito ka-settled sa life. It's all so foreign yet welcome. Hindi na kasi niya makita ang sarili na hindi kasama si Andrew. He's in her world now or maybe she's in his. Gusto na niyang kalimutan ang lahat ng sa kanila ni Adrian. He's away living his life, ganun na din siya ngayon.

The next day ay nagpunta nga sila ni Andrew sa ospital para sa isang check up but everything has its timing at hindi pa parte ng plano sa buhay niya na magka-baby ngayon. Not yet. It was just a delay in her period dahil sa stress. Tama ang hinala niya. Hindi naman kasi niya naisip na buntis siya, she would know pero wala pa eh. Maybe in the future she'll have Andrew's kids. One day for sure, hindi pa nga lang ngayon.

San Vicente 2: Fallacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon